Tagalog Christian Movie | Sino ang Unang Madadala Pagdating ng Panginoon? (Tampok na Extract)
Hulyo 4, 2018
Marami sa mga nananalig sa Panginoon ang naniniwala na basta't sila ay nagsasakripisyo, nagpapakahirap, at nagsusumikap, siguradong mauuna silang madala. Pero may batayan ba ito sa mga salita ng Panginoon? Sabi ng Panginoong Jesus, "Datapuwat maraming mga nauna na mahuhuli; at mga huli na mauuna" (Mateo 19:30). "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig" (Juan 10:27). Malinaw na ang nagpapasiya kung mara-rapture ang isang tao o hindi ay kung naririnig nila ang tinig ng Panginoon. Yaong mga nakarinig muna sa Kanyang tinig at tumanggap sa Kanyang pagpapakita at gawain ay matatalinong dalaga, at sila ang unang mara-rapture.
Habang patuloy na dumarami ang mga sakuna, nagsisimulang matanto ng parami nang paraming tao na ang mga propesiya sa Bibliya ay hindi mga gawa-gawang kuwento lamang, kundi isang realidad na nangyayari sa mismong harapan natin. Walang nakakaalam kung ano ang mauuna: ang bukas ba, o isang hindi inaasahang sakuna. Kung gusto mong salubungin ang pagbabalik ng Panginoon kasama ng pamilya mo at maging ligtas sa ilalim ng proteksyon ng Diyos, i-click ang WhatsApp para sumali sa aming study group. Huwag mo na itong ipagpabukas.
Iba pang mga Uri ng Video