Tagalog Christian Song With Lyrics | "Sa Pagpipino Nagkakaroon ng Pananampalataya"

Mayo 1, 2022

I

Sa pananampalataya mo lang makikita ang Diyos,

'pag mayroon ka nito gagawin ka Niyang perpekto.

Kung walang pananalig, ito'y 'di Niya magagawa,

ito ay hindi Niya magagawa.

'Pag ika'y nananalig

na makikita mo ang Kanyang mga kilos sa'yong karanasan,

magpapakita sa'yo ang Diyos,

at liliwanagan at gagabayan ka Niya mula sa'yong loob.

Kung wala ang pananalig na 'yon,

'di 'yan magagawa ng Diyos.

Kung nawalan ka na ng pag-asa sa Diyos,

pa'no mo mararanasan ang gawain Niya?

Samakatwid, 'pag may pananalig lang

at sa Diyos 'di nag-aalinlangan,

'pag ika'y mayro'n lang tunay na pananalig sa Diyos,

saka ka Niya liliwanagan at tatanglawan,

saka mo lang makikita ang mga kilos Niya.

Sa pananalig lang nakakamtan ang lahat ng ito.

Pananalig ay nakakamtan lang sa pagpipino't

kung walang pagpipino, walang pananalig.

II

Ano ba ang tinutukoy ng salitang "pananampalataya"?

Ito'y tunay na paniniwala at pusong tapat

na dapat taglayin ng mga tao

'pag may 'di sila nakikita't nahahawakan,

'pag gawain Niya'y 'di ayon sa kuru-kuro ng tao,

'pag ito'y 'di maarok ng tao.

Ito ang pananampalatayang binabanggit Niya.

Pananampalataya'y kailangan ng mga tao

sa mga panahon ng paghihirap at pagpipino,

at pananampalataya'y sinusundan ng pagpipino;

ang mga ito'y 'di mapaghihiwalay.

Pa'no man gumagawa ang Diyos at anumang sitwasyon mo,

nagagawa mong maghangad ng buhay at katotohanan,

at malaman ang gawain ng Diyos,

at maunawaan ang Kanyang mga kilos,

at nagagawa mong kumilos ayon sa katotohanan.

Paggawa nito'y pagkakaroon ng tunay na pananalig,

at nagpapakitang 'di ka nawalan ng pananalig sa Diyos.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin