Christian Song | "Ninanais ng Diyos na Mas Marami Pang Tao ang Magkamit ng Kanyang Pagliligtas" | 2026 Mga Tinig ng Papuri
Enero 16, 2026
I
Umaasa ang Diyos na mas maraming tao ang makapagsasagawa ng maingat na pagsisiyasat sa harap ng mga salita at gawain ng Diyos, at harapin ang mahalagang mensaheng ito nang may pagiging seryoso at pagkadeboto. Umaasa Siya na hindi sila tatahak sa mga yapak niyong mga pinarusahan, at higit pa rito, na hindi sila matutulad kay Pablo, na malinaw na nakaalam sa tunay na daan ngunit sadyang lumalaban dito, at nawalan ng handog para sa kasalanan. Ayaw ng Diyos na mas maraming tao ang maparusahan, bagkus ay umaasa Siya na mas maraming tao ang maligtas, at mas maraming tao ang makasabay sa mga yapak Niya at makapasok sa kaharian Niya.
II
Tinatrato ng Diyos ang bawat tao nang matuwid; anuman ang edad mo, o gaano kalaking senyoridad man ang taglay mo, gaano man karaming pagdurusa ang napagdaanan mo, ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi kailanman magbabago dahil sa mga bagay na ito. Hindi mataas ang pagtingin ng Diyos sa sinuman, ni hindi Siya nagpapakita ng paboritismo sa sinuman. Ang Kanyang saloobin sa mga tao ay batay sa kung nagagawa ba nilang bitiwan ang lahat para tanggapin ang katotohanan at ang Kanyang bagong gawain. Kung kaya mong tanggapin ang Kanyang bagong gawain at tanggapin ang mga katotohanang Kanyang ipinapahayag, magagawa mong kamtin ang pagliligtas ng Diyos.
mula sa Mga Tipikal na Halimbawa ng Kaparusahan sa Paglaban sa Makapangyarihang Diyos, Pangwakas na Pananalita
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video