Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Talaga bang Magbabalik ang Panginoon na Sakay ng Isang Ulap?
Enero 23, 2022
Nakikita natin ang sunud-sunod na mga sakuna. Ang mga mananampalataya ay nakatingala sa alapaap at sabik na naghihintay na bumalik ang Panginoon na sakay ng isang ulap at dalhin sila sa alapaap, para iligtas sila mula sa mga sakuna, at para dalhin sila sa kaharian ng langit. Gayunman, dumating na ang mga sakuna, ngunit hindi pa rin nila nasasalubong ang Panginoong Jesus na sakay ng isang ulap. Marami ang nagsisimulang magduda, nag-iisip kung paparito ba talaga ang Panginoong Jesus, at hindi sila mapalagay. Habang nakatingin sila sa alapaap at naghihintay sa Panginoon na pumarito na sakay ng isang ulap, ang Kidlat ng Silanganan ay noon pa nagpapatotoo na pumarito na ang Panginoon at Siya ay ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos. Maraming tao mula sa lahat ng denominasyon, matapos mabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang nakilala na ang mga ito ang katotohanan, natanto na naririnig nila ang tinig ng Diyos, at lumapit sa harapan ng Makapangyarihang Diyos, sinasalubong ang Panginoon. Marami ring tao ang nagmamasid at napapaisip: Babalik ba talaga ang Panginoon na sakay ng isang ulap? Paano ba talaga paparito ang Panginoon, sakay ng isang ulap o bilang ang nagkatawang-taong Anak ng tao? Ang episode na ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya ang magbibigay sa iyo ng sagot.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video