Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Bakit Pumaparito ang Diyos na Nagkatawang-tao sa mga Huling Araw, Hindi sa Anyong Espiritu?

Nobyembre 25, 2021

Sa mga huling araw, nagpahayag ng napakaraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos sa katawang-tao at ginagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Kinumpleto Niya ang isang grupo ng mga mananagumpay bago ang mga sakuna. Naabot ng ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ang bawat bansa sa mundo, at parami nang parami ang nakakarinig sa tinig ng Diyos at bumabaling sa Makapangyarihang Diyos. Sa kabila noon, maraming tao sa loob ng mundo ng relihiyon ang lubos na 'di makapaniwala na ang Panginoon ay nagbalik sa katawang-tao, na Siya'y nagpakita at gumagawa. Naniniwala silang nagpakita ang Panginoong Jesus sa anyong espiritu sa loob ng apatnapung araw pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, kaya dapat Siyang magbalik sa anyong espiritu. Bakit hindi magpapakita ang Makapangyarihang Diyos bilang isang Espiritu, sa halip ay Anak ng taong nagkatawang-tao? Marami ang tumatangging tanggapin Siya batay sa katotohanang wala sa anyong espiritu ang Makapangyarihang Diyos, kundi isang Anak ng tao na nagkatawang-tao. Napapalagpas nila ang kanilang tanging pagkakataon sa kaligtasan ng Mismong Tagapagligtas, isang bagay na kanilang pagsisisihan nang walang hanggan. Kaya bakit hindi nagpakita ang Diyos para gumawa sa anyong espiritu sa mga huling araw, sa halip ay nagkatawang-tao bilang Anak ng tao? Sa episode na ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya, maaari nating pag-aralan ito nang sama-sama at mas matuto tungkol sa gawain ng Diyos.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin