Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Bakit Natin Masasalubong Lang ang Panginoon sa Pamamagitan ng Pakikinig sa Tinig ng Diyos?

Disyembre 14, 2021

Sa mga huling araw, nagpakita at gumawa ang Tagapagligtas na Makapangyarihang Diyos, nagpapahayag ng maraming katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol. Maraming tao mula sa lahat ng denominasyon na nagmamahal sa katotohanan at nananabik para sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa na ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakilala na ito ang tinig ng Diyos, na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Puno ng kagalakan, bumalik sila sa Kanya at nadala sa harap ng trono ng Diyos, at dumalo sila sa piging ng kasal ng Cordero. Tinutupad nito ang mga propesiya ng Panginoong Jesus na: "Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila'y Aking nakikilala, at sila'y nagsisisunod sa Akin" (Juan 10:27). "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo Ko" (Pahayag 3:20). Gayunman, maraming tao ang kumakapit pa rin sa mga salita ng Biblia na paparito ang Panginoon sakay ng mga ulap, nang hindi hinahangad na marinig ang tinig ng Diyos kahit kaunti. Bilang resulta, napalampas nila ang pagkakataon na salubungin ang Panginoon at nasadlak sa mga sakuna, tumatangis at nagngangalit ang mga ngipin. Bakit natin masasalubong lang ang Panginoon sa pamamagitan ng pakikinig sa tinig ng Diyos? Gagabayan kayo ng episode na ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya na hanapin ang katotohanan at matagpuan ang sagot.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin