Christian Dance | "Tayo ay Itinaas sa Harap ng Diyos" | Praise Song

Disyembre 3, 2024

I

Ang Anak ng tao ng mga huling araw ay nagpakita na;

Siya ang nagkatawang-taong Makapangyarihang Diyos.

Siya ay nagpapahayag ng katotohanan at hinahatulan at nililinis Niya ang tao,

pinasisimulan ang Kapanahunan ng Kaharian.

Ang paghatol ay nagsimula na mula sa sambahayan ng Diyos,

at ibinunyag nito ang matuwid na disposisyon ng Diyos.

Puno ng poot at pagiging maharlika,

nagpakita na ang Diyos sa Silangan ng mundong ito.

Ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang pangyayari na lubhang pambihira;

personal Siyang gumagawa at nagliligtas sa tao.

Naririnig natin ang tinig ng Diyos

at napakapalad natin na maitaas sa harap ng Diyos.

Nagtatamasa tayo ng salita ng Diyos araw-araw,

at habang nauunawaan natin ang katotohanan, mas nagliliwanag ang ating puso.

Tinatanggap natin ang paghatol at nalilinis tayo.

Talagang labis tayong pinagpala na masundan ang Makapangyarihang Diyos.

II

Ang lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan,

at ang mga ito ang naglilinis at nagliligtas sa atin.

Ang matanggap ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw

ay tunay na pagtataas at biyaya ng Diyos.

May mas mapalad pa ba kaysa sa atin,

tayo na itinaas ng Diyos mula sa burak?

May mas pinagpala ba kaysa sa atin,

tayo na nakagagawa ng ating mga tungkulin at nakasusunod sa Diyos?

Ang salita ng Diyos ay puno ng awtoridad at kapangyarihan,

at nilupig at ginawang perperkto na nito ang isang grupo ng mga tao.

Sa lahat ng bansa sa mundo, nagpapatotoo tayo sa Diyos,

at ipinalalaganap natin ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos.

Nakasalalay sa atin ang sagradong responsabilidad,

at ito ay biyaya at pagpapala ng Diyos.

Mananatili tayong tapat hanggang kamatayan para makompleto ang atas ng Diyos,

at magbibigay ng mabuting patotoo para luwalhatiin ang Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin