Tagalog Christian Song | "Hindi Kayo Karapat-Dapat Makipag-ugnayan sa Diyos Nang May Ganyang Katinuan"

Agosto 31, 2023

Ang pinakamabuti niyong gawin

ay mas maglaan

ng pagsisikap sa katotohanan

ng pagkilala sa sarili.

Ba't 'di mataas ang tingin sa inyo ng Diyos?

Ba't disposisyo't pananalita niyo'y

nakakasuklam sa Kanya?

I

Pinupuri niyo'ng sarili

para sa katiting na katapatan,

nais ng mga gantimpala

para sa maliit na ambag.

Hinahamak niyo'ng iba

'pag kayo'y medyo masunurin,

walang respeto sa Diyos

'pag gumagawa ng simpleng gawain.

Sa pagtanggap sa Diyos

gusto niyo ng pera, regalo, papuri.

Masakit sa inyo'ng magbigay

ng isa o dal'wang barya.

At 'pag nagbigay ng sampu,

humihiling kayo ng biyaya,

at mamukod-tangi sa masa.

Pagkatao niyo'y napakasama.

Ano ba'ng kapuri-puri sa mga salita't kilos niyo?

Sa ganyang katinuan,

pa'no kayo makikisama sa Diyos?

'Di ba kayo takot para sa sarili niyo sa puntong ito?

Disposisyon niyo'y nasa punto

kung sa'n 'di kayo magkaayon ng Diyos.

Kaya 'di ba nakakatawa'ng pananalig niyo?

Pananalig niyo ba'y 'di kahibangan?

Ngayon pa'no mo haharapin ang kinabukasan?

Ngayon pa'no mo pipiliin ang landas na tatahakin?

II

Alam na alam niyo na naniniwala kayo sa Diyos,

ngunit 'di kayo nakaaayon sa Kanya;

kahit alam na alam niyong

'di kayo karapat-dapat,

patuloy pa rin kayong nagyayabang.

'Di niyo ba nadaramang

lumala na'ng katinuan niyo

at wala na kayong kontrol sa sarili?

Sa ganyang katinuan,

pa'no kayo makikisama sa Diyos?

'Di ba kayo takot para sa sarili niyo sa puntong ito?

Disposisyon niyo'y nasa punto

kung sa'n 'di kayo magkaayon ng Diyos.

Kaya 'di ba nakakatawa'ng pananalig niyo?

Pananalig niyo ba'y 'di kahibangan?

Ngayon pa'no mo haharapin ang kinabukasan?

Ngayon pa'no mo pipiliin ang landas na tatahakin?

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin