Tagalog Christian Song | "Ituring nang Wasto ang Bibliya"
Agosto 29, 2020
Ⅰ
Sinusundan ng Bibliya'ng kasaysayan ng tao.
Tinuturing nila 'tong Diyos hanggang sa puntong:
Ipinapalit sa Diyos ang Bibliya sa mga huling araw.
Kinapopootan ito ng Diyos.
Sa libreng oras Niya, kailangang linawin Niya
ang kuwento at pinagmulan ng Bibliya.
Kundi ito'y papalit sa Diyos sa puso ng tao,
gamit ito'y isusumpa't susukatin ang Diyos.
Ang katotohanang nais sabihin sa inyo ng Diyos:
walang teorya o katunayan
ang papalit sa gawa't salita N'ya.
Walang papalit sa lugar ng Diyos.
Ⅱ
Ang tao'y 'di kailanman makakaharap sa Diyos
kung 'di itatakwil lambat ng Bibliya.
Dapat linisin ang puso sa maaaring pumalit sa Kanya.
Ito'ng paraan na Siya'y nasisiyahan.
Bagama't 'pinaliliwanag lang ng Diyos ang Bibliya rito,
huwag limuting maraming ibang bagay
na maling sinasamba ng sangkatauhan;
'di sinasamba'ng lahat ng mula sa Diyos.
Ang katotohanang nais sabihin sa inyo ng Diyos:
walang teorya o katunayan
ang papalit sa gawa't salita N'ya.
Walang papalit sa lugar ng Diyos.
Ang Bibliya'y halimbawang ginagamit ng Diyos,
paalaalang 'di piliin ang maling landas,
'di muling mahulog sa kasukdulan at kalituhan
habang naniniwala't tinatanggap salita ng Diyos.
Ang katotohanang nais sabihin sa inyo ng Diyos:
walang teorya o katunayan
ang papalit sa gawa't salita N'ya.
Walang papalit sa lugar ng Diyos,
walang papalit sa lugar ng Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video