Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Ang Tatlong Yugto ng Gawain | Sipi 20
Marso 7, 2021
Noong Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng Egipto. Ang mga utos na ito ay ibinigay ni Jehova sa mga Israelita, at walang kaugnayan sa mga Egipcio; ang mga ito ay nilayon upang higpitan ang mga Israelita. Ginamit ng Diyos ang mga utos upang hingan sila. Kung sinunod nila ang Sabbath, kung iginalang nila ang kanilang mga magulang, kung sinamba nila ang mga diyos-diyosan, at iba pa: ito ang mga prinsipyo kung saan sila ay hinatulan na puno ng kasalanan o matuwid. Sa kanilang kalagitnaan, mayroong ilan na tinamaan ng apoy ni Jehova, may ilan na binato hanggang sa mamatay, at may ilan na tumanggap ng pagpapala ni Jehova, at ito ay pinagpasyahan ayon sa kung sila ay sumunod o hindi sumunod sa mga utos. Ang mga hindi nakasunod sa Sabbath ay babatuhin hanggang mamatay. Ang mga saserdote na hindi sumunod sa Sabbath ay tatamaan ng apoy ni Jehova. Ang mga saserdote na hindi nagpakita ng paggalang sa kanilang mga magulang ay babatuhin din hanggang mamatay. Lahat ng ito ay itinagubilin ni Jehova. Itinatag ni Jehova ang Kanyang mga utos at batas upang, habang pinangungunahan Niya sila sa kanilang buhay, ang mga tao ay makikinig at tatalima sa Kanyang salita at hindi magrerebelde laban sa Kanya. Ginamit Niya ang mga batas na ito upang ang bagong-silang na lahi ng tao ay makokontrol, mas mainam upang mailatag ang pundasyon para sa Kanyang gawain sa hinaharap. At kaya, batay sa gawain na ginawa ni Jehova, ang unang kapanahunan ay tinawag na Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t maraming ginawang pagbigkas si Jehova at gumawa ng maraming gawain, pinatnubayan lamang Niya ang mga tao nang positibo, tinuturuan ang mga ignoranteng tao paano maging tao, paano mamuhay, paano maunawaan ang paraan ni Jehova. Sa karamihang bahagi, ang gawain na ginawa Niya ay upang sanhiin sa mga tao na sumunod sa Kanyang daan at sundin ang Kanyang mga kautusan. Ang gawain ay ginawa sa mga taong mababaw pa ang pagkatiwali; hindi ito ipinaabot hanggang sa pagbabago ng kanilang disposisyon o pag-unlad sa buhay. Ang Kanyang pakay lamang ay ang paggamit ng mga kautusan para pigilan at kontrolin ang mga tao. Para sa mga Israelita noong panahong iyon, si Jehova ay isa lamang Diyos na nasa templo, isang Diyos na nasa mga kalangitan. Siya ay isang haliging ulap, isang haliging apoy. Ang hiningi ni Jehova sa kanila ay ang sumunod sa alam ngayon ng mga tao bilang Kanyang mga batas at utos—maaaring sabihin pa nga ng isa na mga alituntunin—dahil ang ginawa ni Jehova ay hindi nilayon para baguhin sila, kundi para bigyan sila ng mas maraming bagay na dapat magkaroon ang mga tao, para turuan sila mula sa sarili Niyang bibig, dahil pagkaraang malikha, ang tao ay walang anuman ng dapat na mayroon siya. At kaya, ibinigay ni Jehova sa mga tao ang mga bagay na dapat nilang ariin para sa kanilang mga buhay dito sa lupa, kaya ang mga taong pinangunahan Niya ay nilagpasan pa ang kanilang mga ninuno, sina Adan at Eba, dahil ang anumang ibinigay ni Jehova sa kanila ay lumabis pa sa anumang ibinigay Niya kay Adan at Eba sa simula. Kahit na ano pa, ang gawain na ginawa ni Jehova sa Israel ay upang patnubayan lamang ang sangkatauhan at ipakilala sa sangkatauhan ang kanilang Manlilikha. Hindi Niya sila sinakop o binago, kundi pinatnubayan lamang. Ito ang kabuuan ng gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ang pinagmulan, ang totoong salaysay, ang diwa ng Kanyang gawain sa buong lupain ng Israel, at ang simula ng Kanyang anim na libong taon ng gawain—ang panatilihin ang sangkatauhan sa ilalim ng kontrol ng kamay ni Jehova. Mula dito ay ipinanganak ang mas marami pang gawain sa Kanyang anim-na libong-taong plano ng pamamahala.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video