Tagalog Christian Song | "Tanging Yaong Nagkakamit ng Pagliligtas ng Diyos ang mga Buhay"

Enero 20, 2026

I

Ang lahat ng namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman ay yaong mga namumuhay sa gitna ng kamatayan, yaong mga pag-aari ni Satanas. Kung hindi sila inililigtas ng Diyos at hinahatulan, at kinakastigo ng Diyos, hindi makakatakas ang mga tao sa impluwensiya ng kamatayan; hindi sila maaaring maging mga buhay na tao. Hindi makakapagpatotoo sa Diyos ang mga ganitong taong patay, ni hindi rin sila maaaring gamitin ng Diyos, lalong 'di makakapasok sa kaharian. Nais ng Diyos ang patotoo ng mga buhay, hindi ng mga patay, at Siya'y humihingi sa mga buhay, hindi sa mga patay, na gumawa para sa Kanya.

II

"Ang mga patay" ay yaong mga lumalaban at naghihimagsik laban sa Diyos; sila yaong mga manhid ang espiritu at hindi nakakaunawa sa mga salita ng Diyos; sila yaong mga hindi nagsasagawa sa katotohanan at wala ni katiting na katapatan sa Diyos, at sila yaong mga namumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at ginagamit ni Satanas. Kung nais ng mga tao na maging buhay na mga nilalang at magpatotoo sa Diyos, at maging karapat-dapat sa mga mata ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos; dapat silang malugod na magpasakop sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang malugod na tanggapin ang pagpupungos ng Diyos. Saka lamang nila maisasagawa ang lahat ng katotohanang hinihingi ng Diyos, at saka lamang nila makakamit ang pagliligtas ng Diyos at magiging tunay na buhay na mga nilalang.

III

Ang mga buhay ay yaong mga nailigtas na ng Diyos; nahatulan at nakastigo na sila ng Diyos, handa silang ilaan ang kanilang sarili at masayang ibigay ang kanilang buhay para sa Diyos, at malugod nilang gugugulin ang kanilang buong buhay sa Diyos. Tanging kapag nagpapatotoo sa Diyos ang mga buhay saka mapapahiya si Satanas; tanging ang mga buhay ang maaaring magpalaganap ng gawain ng ebanghelyo ng Diyos, tanging ang mga buhay ang naaayon sa mga layunin ng Diyos, at tanging ang mga buhay ang tunay na mga tao.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ikaw Ba ay Isang Taong Nabuhay Na?

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin