Tagalog Testimony Video | "Ang Kabayaran ng Pagpapaimbabaw"

Abril 14, 2025

Siya ay nahalal bilang lider ng iglesia, at nagkataon na nalaman niyang pinupuri siya ng mga nakatataas na lider dahil sa pagtanggap niya ng mga hamon at sa pagkakaroon ng matibay na motibasyon sa pag-usad. Dahil dito, nagsimulang siyang hangaan ang sarili niya. Para patunayan ang kanyang mga kakayahan, masipag siyang gumagawa, pero patuloy na lumilitaw ang mga problema sa gawain. Dahil sa takot na maaaring malagay sa panganib ang reputasyon at katayuan niya, tanging magagandang balita ang iniuulat niya habang sadya niyang itinatago ang mga suliranin, na nagdulot ng matitinding pagkaantala sa gawain ng iglesia. Nakaramdam siya ng pagsisisi at sinisi rin niya ang kanyang sarili, at nagsimula siyang magnilay kung bakit niya pinagtatakpan ang mga problema at kung bakit siya nagpapanggap sa halip na hanapin ang katotohanan. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nagkamit siya ng kaunting pagkaunawa sa kanyang problema at binago niya ang kanyang pamamaraan.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Iba pang mga Uri ng Video

I-share

Kanselahin