Tagalog Testimony Video | "Ang Landas Patungo sa Kaharian ng Langit"

Mayo 29, 2022

Naging mananampalataya ang bida sa murang edad at, bilang isang nasa hustong gulang, ay masigasig na ginugol ang kanyang sarili para sa Panginoon na may pag-asang madala sa kaharian ng langit. Gayunpaman, napagtanto niya na nasa siklo siya ng pagkakasala at pagtatapat at tila nabubuhay na nakalubog sa kasalanan. Nang maisip ang isang sipi ng Kasulatan na nagsasaad na, "Pagpapakabanal na kung wala ito'y sinoman ay di makakakita sa Panginoon" (Mga Hebreo 12:14), hindi niya naiwasang mag-alala kung talaga bang dadalhin siya sa kaharian ng langit. Habang nasa isip ang alalahaning ito, kinausap niya ang kanyang pastor at ang iba pang mga miyembro ng simbahan, pero sinabi nilang lahat na sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoon, napatawad na ang mga kasalanan ng mga tao at pagbalik ng Panginoon ay madadala sila sa kaharian ng langit. Naguluhan siya—anong klaseng tao ba mismo ang dadalhin sa kaharian ng langit? Madadala ba talaga iyong mga palaging nagkakasala? Nakilala niya kalaunan ang dalawang sister mula sa Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos online. Sa pamamagitan ng mga pagtitipon at pagbabahagi, naunawaan niya sa wakas na sa pagtanggap lang sa gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw siya maaaring madalisay at makapasok sa kaharian ng langit. Sa pamamagitan nito, masaya niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at natagpuan ang landas patungo sa kaharian ng langit.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger