Kasaysayan ng Pagpapahirap sa Relihiyon sa Tsina | "Ang Pagtatakip"

Abril 27, 2018

Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Ipinapakita sa dokumentaryong ito ang biglaan at di-inaasahang pagkamatay ng Kristiyanong Chinese na si Song Xiaolan—isang pagkamatay na binigyan ng CCP police ng paiba-iba at magkakasalungat na paliwanag. Matapos imbestigahan, natuklasan ng pamilya Song na noon pa pala nagsisinungaling ang mga pulis. Nalaman ng isang kamag-anak ng pamilya mula sa isang kakilala sa Public Security Bureau na lihim na sinubaybayan ng CCP police si Xiaolan dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at pagtupad sa kanyang mga tungkulin. Nang arestuhin siya ng mga pulis, binugbog siya ng mga ito hanggang sa mamatay. Para hindi masisi, pinagtakpan ng pulisya ang katotohanan sa pag-iimbento ng tagpo ng pagkamatay ni Song Xiaolan …

Ang ilang materyal sa video na ito ay galing sa:

水墨素材来源:Wow!視覺特效 Show 一手!影片素材上傳區!

https://www.youtube.com/channel/UCo2WsnnMMdo4x9FqETfHJ3g

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin