Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Katayuan at Pagkakakilanlan ng Diyos Mismo"

Abril 29, 2022

I

Pagkakakilanlan ng Diyos ay ang Lumikha, Pinuno.

Siya'y natatangi sa lahat ng bagay, lahat ng mayro'n.

Wala sa likha ng Diyos, tao o espirituwal,

ang makapalit sa pagkakakilanlan o katayuan Niya.

'Pagka't may iisang umiiral lang sa lahat ng bagay

na may pagkakakilanlan, awtoridad at kapangyarihan,

at kakayahang mamuno sa lahat ng bagay.

Ang nag-iisa: Ating natatanging Diyos Mismo.

Diyos ay namumuno't naghahari sa lahat ng bagay.

Lumikha Siya, nangangasiwa't nagtutustos sa lahat.

Siya'y namumuno't naghahari.

Ito'ng pagkakakilanlan at katayuan Niya.

II

Nabubuhay at gumagalaw Siya sa lahat ng mayroon.

Siya'y makakaangat sa mataas at maging angat sa lahat.

Mapagkukumbaba Niya ang Sarili na maging tao,

maging isa sa yaong may laman at dugo.

Nakahaharap Siya ng tao, nakikibahagi sa saya't lungkot nila.

Inuutusan Niya ang lahat, nagpapasya sa kapalaran nila

at kung saang direksyon sila patungo.

Gumagabay Siya sa kapalaran at direksyon ng tao.

Diyos ay namumuno't naghahari sa lahat ng bagay.

Lumikha Siya, nangangasiwa't nagtutustos sa lahat.

Siya'y namumuno't naghahari.

Ito'ng pagkakakilanlan at katayuan Niya.

III

Mga buhay na nilalang ay dapat sambahin, sundin, kilalanin ang Diyos.

Ang kailangang pagpipilian lang ng tao'y

ang maniwala, sumunod at magpitagan sa Diyos,

tanggapin ang pamumuno't plano Niya para sa kapalaran nila.

Diyos ay namumuno't naghahari sa lahat ng bagay.

Lumikha Siya, nangangasiwa't nagtutustos sa lahat.

Siya'y namumuno't naghahari.

Ito'ng pagkakakilanlan at katayuan Niya.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger