
Christian Dance | "Bumabangon sa Kabila ng Kadiliman at Pang-aapi" | Praise Song
Marso 17, 2025
I
Dahil sa malupit na pag-uusig ng malaking pulang dragon,
nakilatis ko ang mukha ni Satanas.
Sa pamamagitan ng maraming pagsubok at kapighatian,
nakita ko ang karunungan at pagkamakapangyarihan-sa-lahat ng Diyos.
Dahil naunawaan ko na ang katotohanan at nagkamit na ako ng pananalig,
paano ako magiging kontento na hindi sumunod sa Diyos?
Lubha kong kinamumuhian si Satanas,
at mas lalo kong kinamumuhian ang malaking pulang dragon.
Ang manirahan kung saan naghahari ang demonyong hari
ay ang manirahan sa isang bilangguan.
Mahigpit akong hinahabol ni Satanas;
walang ligtas na lugar na matitirhan.
Ang pananampalaya at pagsamba sa Diyos ay ganap na likas at may katwiran.
Dahil pinili kong mahalin ang Diyos, mananatili akong tapat hanggang sa huli.
Si Satanas na haring demonyo ay lubos na malupit,
tunay na walang kahihiyan at kasuklam-suklam.
Malinaw kong nakikita ang malademonyong mukha ni Satanas,
at lalong minamahal ng aking puso si Cristo.
Hinding-hindi ko ipagpapatuloy ang isang walang-dangal na pag-iral
sa pamamagitan ng pagluhod kay Satanas at pagkakanulo sa Diyos.
Titiisin ko ang lahat ng paghihirap at pasakit,
at magtitiis ako sa pinakamadidilim na gabi.
Para bigyan ng kaaliwan ang puso ng Diyos,
magbibigay ako ng matagumpay na patotoo.
II
Ang gabi bago ang bukang-liwayway ay lilipas,
at ang Araw ng katuwiran ay nagpakita na.
Si Satanas at ang mga diyablo, sa kanilang paghihingalo,
ay nagseserbisyo sa gawain ng Diyos.
Gumawa na ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay,
at si Satanas ay lubos nang napahiya at nagapi.
Sa pag-alam sa katuwiran ng Diyos, mas lalong minamahal ng puso ko ang Diyos.
Sa pagtatamasa ng pagmamahal ng Diyos,
dapat akong maging mapagsaalang-alang sa puso ng Diyos.
Handa akong igugol ang lahat para suklian ang pagmamahal ng Diyos.
Determinado akong sumunod sa Diyos at ipakalat ang Kanyang mabuting balita.
Ibibigay ko ang aking huling katapatan,
magpapatotoo at magbibigay kaluwalhatian sa Diyos.
Gaano man ako subukin ng Diyos,
determinado akong manindigan nang matatag sa aking patotoo.
Dahil naunawaan ko na ang katotohanan,
kailangan kong magsagawa para mapalugod ang mga layunin ng Diyos.
Gagawin ko ang aking makakaya para magpakalat ng ebanghelyo ng Diyos
at tapat na magpatotoo sa Kanya.
Mananatili akong tapat hanggang kamatayan
at tatahakin nang maayos ang huling bahagi ng landas.
Iniaalay ko ang katapatan ko sa Diyos,
at ikalulugod kong mamatay para sa Kanya.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video