Tagalog Christian Movie Trailer | "Nanganganib na Pagdala"

Setyembre 17, 2018

Isang elder si Zhao Zhigang sa Lokal na Iglesia sa Tsina. Tulad ng maraming Kristiyano, ang kanyang pinakadakilang pag-asa bilang mananampalataya sa Panginoon ay ang madala nang buhay, masalubong ang Panginoon at mamahala kasama Siya. Noong 1999, matapos ilabas ng pinuno ng iglesia ang mensaheng, "Sa taong 2000 ang Panginoon ay darating muli, at madadala nang buhay ang Kanyang mga mananampalataya," lalo pa siyang nasabik at naging masigasig kaysa dati. Punung-puno ng pananampalataya at kumpiyansa, tiningnan niya ang hinaharap nang may pag-asa at pag-asam…. Gayunpaman, pagkatapos dumating at lumipas ng taong 2000, nabalewala ang lahat ng kanyang pag-asa. Dumating ang isang di-inaasahang krisis sa pananampalataya sa kanyang denominasyon, at hindi niya maiwasang mag-isip kung tama o mali ba ang landas na tinahak niya.

Matapos ang ebanghelyo ng pagbaba ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos na kumalat sa kanyang buong denominasyon, pumasok sa isang mainit na talakayan at debate sina Zhao Zhigang at isang grupo ng mga katrabaho sa mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Umikot ang mga talakayang ito sa mga paniniwalang pinanatili nila ng maraming taon sa kanilang denominasyon…. Sa huli, malinaw na nakita ni Zhao Zhigang na sila ay dinala sa pagkalito ng mga anticristo. Agad niyang nalaman ang katotohanan at tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Kalaunan ay nadala siya sa harapan ng trono ng Diyos, kung saan hindi niya napigilan ang managhoy, "Tunay na nanganib ang aking pagdala!"

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga aktor na lumilitaw sa produksyong ito ay gumaganap sa isang hindi pangkalakal na basehan, at hindi binayaran sa anumang paraan. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.

Ang nilalaman ng video na ito ay isinalin sa kabuuan ng mga propesyonal na tagasalin. Gayunpaman, dahil sa mga pagkakaiba sa wika atbp., may kaunting hindi maiiwasang hindi tumpak. Kung may makita kayong anumang hindi tumpak, mangyaring sumangguni sa orihinal na bersiyon sa wikang Tsino, at huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa amin para ipaalam ito.

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger