Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Layunin ng Gawain ng Pagpipino ng Diyos"

Abril 3, 2022

I

Pagpipino'y 'di madali kanino man,

kay hirap tanggapin ng proseso.

Nguni't sa pagpipino'y 'binubunyag ng Diyos

matuwid Niyang disposisyon sa tao;

pinapakita'ng hinihiling, handog kaliwanagan,

pagtatabas, pakikitungo'y marami pa.

Pagpipino'y 'di pag-aalis ng tao mula sa harap ng Diyos,

ni pagwasak sa kanya sa impiyerno.

Ito'y para baguhin disposisyon niya,

intensiyon, lumang pananaw,

kanyang pag-ibig sa Diyos,

at ng buong buhay, ng kanyang buong buhay.

II

Sa paghahambing ng katunaya't katotohanan,

handog ng Diyos ay higit na kaalaman

ng sarili, katotohana't kalooban Niya,

hinahayaang tao'y magkaro'n ng mas tunay at wagas na pag-ibig sa Diyos—

layunin ng Diyos habang Siya ay nagpipino.

Pagpipino'y 'di pag-aalis ng tao mula sa harap ng Diyos,

ni pagwasak sa kanya sa impiyerno.

Ito'y para baguhin disposisyon niya,

intensiyon, lumang pananaw,

kanyang pag-ibig sa Diyos,

at ng buong buhay, ng kanyang buong buhay.

III

Lahat ng gawain sa tao'y may layuni't halaga.

Gawain Niya'y 'di kailanman walang-saysay.

Tao'y nakikinabang dito.

Pagpipino'y pagsubok sa tao

at anyo ng tunay na pagsasanay.

Sa pagpipino lang magagampanan ng pag-ibig ng tao

ang tungkulin nito.

Pagpipino'y 'di pag-aalis ng tao mula sa harap ng Diyos,

ni pagwasak sa kanya sa impiyerno.

Ito'y para baguhin disposisyon niya,

intensiyon, lumang pananaw,

kanyang pag-ibig sa Diyos,

at ng buong buhay, ng kanyang buong buhay.

mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger