Christian Dance | "Purihin ang Diyos Nang May Mapagmahal-sa-Diyos na Puso" | Praise Song

Setyembre 13, 2024

I

Nagtitipon tayo para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos;

tunay nating tinatamasa ang gawain ng Banal na Espiritu.

Taos-puso tayong nagdarasal-nagbabasa at nagbabahaginan,

nagmumuni-muni, nagbubulay-bulay at naghahanap tayo mula sa Diyos.

Isinasagawa at dinaranas natin ang mga salita ng Diyos,

napakatamis ng pag-unawa sa katotohanan.

Nagbago ang ating buhay disposisyon,

at natitikman natin ang pagmamahal ng Diyos na labis na tunay.

Napakaganda ng buhay iglesia, at maaaring may maraming anyo ang papuri.

Hindi natin mapigilang umawit at sumayaw sa pagpupuri sa Diyos,

sumayaw sa pagpupuri sa Diyos.

Walang mga patakaran o limitasyon, pinasasaya tayo ng taos-pusong pagpupuri.

Nagdudulot ng totoong kasiyahan ang pamumuhay sa presensiya ng Diyos,

at pinupuri natin ang Diyos nang may mapagmahal-sa-Diyos na puso.

II

Nagtitipon tayo para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos;

tunay nating tinatamasa ang gawain ng Banal na Espiritu.

Sa pagbabahagi ng mga patotoo at pagbabahaginan sa katotohanan,

umuusad araw-araw ang ating buhay.

Nagmamahalan tayo at nagtutulungan nang maayos;

ginagawa natin ang ating tungkulin nang may iisang puso at isipan.

Isinasagawa natin ang katotohanan at hinahangad nating maging matatapat na tao;

nakikita natin ang mga pagpapala at pamumuno ng Diyos.

Sa pamamagitan ng paghatol ng Diyos, nalilinis tayo,

at nakikita nating napakamatuwid ng disposisyon ng Diyos.

Iwinawaksi natin ang ating katiwalian at nagiging bago tayo,

isinasabuhay natin ang wangis ng matatapat na tao.

Sinasamba natin ang Diyos ng may puso at katapatan,

napakasaya ng buhay ng kaharian.

Nakikita ang lawak ng kaligtasan ng Diyos

pinupuri natin ang Diyos nang may mapagmahal-sa-Diyos na puso.

III

Sinundan natin ang Diyos sa buong paglalakbay

at dumaan tayo sa napakaraming paghihirap.

Marahas tayong sinisiil at inuusig ng CCP,

sobra kong kinamumuhian ang malaking pulang dragon.

Tinitiis ni Cristo ang lahat ng uri ng kahihiyan at pagdurusa,

at sinasamahan Niya tayo sa kapighatian.

Hindi natitinag ang ating mapagmahal-sa-Diyos na puso;

ito ay ganap na dahil sa paggagabay ng mga salita ng Diyos.

Hindi masusukat ang napakalaking halagang ibinayad ng Diyos para sa ating kaligtasan.

Namumuhay ang Diyos kasama natin,

ginabayan Niya tayo hanggang sa araw na ito, hanggang sa araw na ito.

Itong magandang panahon, itong magandang buhay,

ang mga ito'y hindi malilimutan.

Palagi tayong magmamahal sa Diyos at magpapasakop sa Kanya,

at pinupuri natin ang Diyos nang may mapagmahal-sa-Diyos na puso.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin