Tagalog Christian Song | "Tanging Yaong mga Naghahangad ng Katotohanan ang Marangal"

Enero 14, 2026

I

Para sa Diyos, nasa Kanya kung ano at gaano karami ang ibinibigay Niya sa mga tao, at ang katayuang mayroon ang mga tao sa lipunan ay inorden din ng Diyos at ganap na hindi itinakda ng sinumang tao. Kung pinagdudusa ng Diyos ang isang tao sa pamamagitan ng sakit at kahirapan, ibig sabihin ba niyon ay wala siyang pag-asang maligtas? Kung mababa ang halaga niya at mababa ang katayuan sa lipunan, hindi ba siya ililigtas ng Diyos? ​Maaari kayang mababa ang katayuan niya sa paningin ng Diyos? Saan ito nakadepende? Nakadepende ito sa landas na tinatahak ng taong ito, sa paghahangad niya, at sa saloobin niya sa katotohanan at sa Diyos.

II

Kung napakababa ng katayuang panlipunan ng isang tao, napakahirap ng kanyang pamilya, at mababa ang antas ng edukasyon niya, pero nananampalataya siya sa Diyos sa isang praktikal na paraan, at minamahal niya ang katotohanan at mga positibong bagay, kung gayon, sa paningin ng Diyos, siya ay napakahalaga. Saan ba nakadepende ang halaga ng isang tao—kung mataas man o mababa, marangal man o hamak? Nakadepende ito sa kung paano ka nakikita ng Diyos. Kung nakikita ka ng Diyos na isang taong naghahangad ng katotohanan, kung gayon ikaw ay may kabuluhan at mahalaga—ikaw ay isang mahalagang sisidlan.

III

Kung nakikita ng Diyos na hindi mo hinahangad ang katotohanan, ni tapat na ginugugol ang iyong sarili para sa Kanya, kung gayon ikaw ay walang kabuluhan at walang halaga—ikaw ay isang hamak na sisidlan. Gaano man kataas ang pinag-aralan mo o gaano man kataas ang katayuan mo sa lipunan, kung hindi mo hinahangad o inuunawa ang katotohanan, kung gayon kailanman hindi magiging mataas ang halaga mo; kahit na maraming taong sumusuporta sa iyo, nagtataas sa iyo, at sumasamba sa iyo, isa ka pa ring hamak na kasuklam-suklam. Ito ay dahil ang Diyos ay katotohanan, ang Diyos ay katuwiran, samantalang ang tao ay tiwali at walang katotohanan o katuwiran, at sinusukat ng Diyos ang tao sa Kanyang sariling pamantayan, at ang pamantayan Niya sa pagsukat ay ang katotohanan.

mula sa Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikapitong Aytem: Sila ay Buktot, Lihim na Mapanira, at Mapanlinlang (Unang Bahagi)

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin