Mga Tao sa Buong Mundo na Nag-aaral ng Wikang Tsino | Pagbigkas at Koro: Bigyang-pansin ang Kapalaran ng Sangkatauhan | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 18, 2026

I

Hinihikayat Ko ang mga tao ng lahat ng bayan at ng lahat ng bansa, at maging ng lahat ng industriya na makinig sa tinig ng Diyos, masdan ang gawain ng Diyos, at bigyang-pansin ang kapalaran ng sangkatauhan, na ginagawang pinakabanal ang Diyos, pinakadakila, pinakamataas, at tanging pag-uukulan ng pagsamba ng sangkatauhan, at upang bigyang-daan ang buong sangkatauhan na mamuhay sa gitna ng mga pagpapala ng Diyos, tulad lamang ng mga inapo ni Abraham na namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova, at tulad lamang nina Adan at Eba, na nilikha ng Diyos sa simula, na namuhay sa Hardin ng Eden.

II

Ang gawain ng Diyos ay sumusulong tulad ng rumaragasang alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang martsa. Tanging ang mga taong nakikinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at makatanggap ng Kanyang pangako. Ang mga hindi naman ay sasailalim sa napakalaking sakuna at karapat-dapat na kaparusahan.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang May Kataas-taasang Kapangyarihan sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin