Tagalog Christian Song | "Sa Pamamagitan Lamang ng mga Paghihirap at Pagpipino Ka Maaaring Gawing Perpekto ng Diyos"

Setyembre 29, 2026

I

Kung hindi mo alam ang disposisyon ng Diyos, tiyak na mabubuwal ka kapag may mga pagsubok, dahil hindi mo alam kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao; at sa anong paraan Niya sila ginagawang perpekto, at kapag dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa iyo at hindi tumutugma ang mga ito sa iyong mga kuru-kuro, hindi mo magagawang manindigan. Ang totoong pagmamahal ng Diyos ay ang Kanyang buong disposisyon. Kapag maibunyag sa mga tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos, tiyak na daranas ng maraming pasakit ang kanilang laman. Kung hindi mo pagdurusahan ang pasakit na ito, hindi ka magagawang perpekto ng Diyos, ni hindi mo magagawang mag-alay ng totoong pagmamahal sa Diyos. Kapag ginagawa kang perpekto ng Diyos, tiyak na ibubunyag Niya sa iyo ang Kanyang buong disposisyon.

II

Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi pa kailanman ibinunyag ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon sa tao—ngunit sa mga huling araw, Kanyang ibinubunyag ito sa grupong ito ng mga tao na Kanya nang itinalaga at pinili, at sa pagpeperpekto sa mga tao, Kanyang ibinubunyag ang Kanyang mga disposisyon, kung saan sa pamamagitan nito ay Kanyang ginagawang ganap ang isang grupo ng mga tao. Gayon ang tunay na pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Ang pagdanas ng tunay na pag-ibig ng Diyos ay hinihingi sa mga tao na magtiis ng matinding pasakit, at magbayad ng malaking halaga. Saka lamang maaaring makamit ng Diyos ang mga tao sa huli, at sa wakas ay magawa nilang suklian ng tunay na pag-ibig ang Diyos, at saka lamang masisiyahan ang puso ng Diyos.

III

Kung nais ng mga tao na gawin silang perpekto ng Diyos, at kung nais nilang sumunod sa Kanyang kalooban, at ganap na ialay ang kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, dapat nilang maranasan ang maraming pasakit at paghihirap mula sa mga sitwasyon, at sa gayon ay mapasailalim sa pagdurusa na katulad ng madala sa bingit ng kamatayan, na sa huli ay nagpupuwersa sa kanila na ibalik ang kanilang totoong puso sa Diyos. Kung tunay bang mahal o hindi ng isang tao ang Diyos ay nabubunyag sa panahon ng pagdurusa at pagpipino. Ang pagdadalisay ng Diyos sa pag-ibig ng mga tao ay nakakamit lamang sa pamamagitan ng pagdurusa at pagpipino.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananalig sa Diyos

Tingnan ang iba pa

Leave a Reply

I-share

Kanselahin