Tagalog Christian Music Video | "Huwag Umasa sa Imahinasyon para Limitahan ang Pagpapakita ng Diyos"

Hunyo 4, 2023

I

Walang makakapigil sa pagpapakita ng Diyos

upang gawain Niya'y matupad tulad ng naiplano na,

tulad nung nagkatawang-tao ang Diyos sa Judea

at sa pagpako sa Kanya sa krus, tao'y natubos.

Ngunit hindi naniwala ang mga Judio

na kayang maging tao ng Diyos sa anyo ni Jesus.

Imposible nila'y naging basehan ng

pagsumpa nila sa Diyos, dulot ay pagbagsak ng Israel.

Maraming may parehong kamalian ngayon,

sabing magpapakita ang Diyos, pero kinokondena nila.

"Imposible" nila'y nililimitahan ang pagpapakita Niya

sa imahinasyon nila.

Katotohana'y hayag kung sa'n nagpapakita ang Diyos,

at naro'n din ang tinig ng Diyos.

Ang makatatanggap lang sa katotohana'y ang makaririnig sa Diyos,

sila lang ang makamamalas sa Diyos.

II

Maraming natatawa 'pag salita Niya'y natagpuan.

Naiiba ba 'to sa pagkondena ng Judio?

'Di niyo pinagpipitagan ang pag-iral ng katotohanan,

ilan lang ang nananabik, nag-aaral, naghihintay lang.

Anong dulot ng pag-aaral at paghihintay?

Makakakuha ba kayo ng gabay mula sa Diyos?

Kung 'di mo maunawaan Kanyang salita,

paano ka magiging marapat na makita Siya?

Katotohana'y hayag kung sa'n nagpapakita ang Diyos,

at naro'n din ang tinig ng Diyos.

Ang makatatanggap lang sa katotohana'y ang makaririnig sa Diyos,

sila lang ang makamamalas sa Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger