Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng mga Pagkaintindi ng mga Relihiyon | Sipi 283
Hulyo 18, 2020
Sapagka’t laging mayroong mga pagsulong ang gawain ng Diyos, kaya mayroong bagong gawain, at kaya mayroon ding gawain na lipas at luma na. Itong luma at bagong gawain ay hindi nagkakasalungat, bagkus ay magkaugnay; bawat hakbang ay sumusunod sa nauna. At dahil may bagong gawain, ang lumang mga bagay ay tiyak na dapat maalis. Bilang halimbawa, ang ilan sa mga matagal nang pagsasagawa at kinasanayang kasabihan ng mga tao, kasama na ang mga napakaraming karanasan at mga turo, ay bumuo ng lahat ng uri ng mga pagkaintindi sa kaisipan ng tao. Nguni’t mas angkop sa pagkakabuo ng gayong mga pagkakaintindi ng tao ay ang ’di pa ganap na pagbubunyag ng Diyos ng Kanyang mukha at likas na disposisyon sa tao, kaalinsabay ng pagkalat, sa loob ng maraming taon, ng mga tradisyunal na teoriya mula sa sinaunang panahon. Makatuwirang sabihin na sa buong panahon ng paniniwala ng tao sa Diyos, ang impluwensya ng iba’t-ibang pagkaintindi ay nagbigay-daan sa patuloy na pagkabuo at pagsulong ng isang kaalaman sa tao na kung saan ay mayroon siya ng lahat ng uri ng mga pagkaintindi ukol sa Diyos—na nagresulta sa maraming relihiyosong tao na naglilingkod sa Diyos ang naging mga kaaway Niya. At kaya, habang lumalakas ang mga relihiyosong pagkakaintindi ng mga tao, lalo lamang nilang kinakalaban ang Diyos, at mas lalong nagiging mga kaaway ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay palaging bago at hindi luma kailanman, at hindi ito bumubuo ng doktrina at sa halip, ito ay patuloy na nagbabago at napanunumbalik sa mas malaki o sa mas maliit na sakop. Ang gawaing ito ang pagpapahayag ng likas na disposisyon ng Diyos Mismo. Ito rin ang likas na panuntunan ng gawain ng Diyos, at isa sa mga paraan kung saan isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang pamamahala. Kung hindi sa ganitong paraan gumawa ang Diyos, hindi magbabago ang tao at hindi makukuhang makilala ang Diyos, at si Satanas ay hindi madadaig. Kaya, sa Kanyang gawain may malimit na nangyayaring mga pagbabago na kung titingnan ay pamali-mali, ngunit ang mga ito sa totoo lang ay pana-panahon. Ang paraan kung paano naniniwala ang tao sa Diyos, gayunman, ay lubhang naiiba: Nangunguyapit siya sa luma, kilalang mga doktrina at mga sistema, at habang mas luma nagiging mas katanggap-tanggap ang mga ito sa kanya. Papaanong ang hangal na pag-iisip ng tao, isang pag-iisip na kasintigas ng bato, ay tatanggap ng ganoong di-maarok na bagong gawain at mga salita ng Diyos? Kinasusuklaman ng tao ang Diyos na laging bago at hindi kailanman luma; ang gusto lang niya ay ang makaluma at lumang Diyos na puti ang buhok at walang kibo. Sa gayon, sapagkat ang Diyos at ang tao ay may kani-kanyang mga kagustuhan, ang tao ay naging kaaway ng Diyos. Marami sa mga salungatang ito ay umiiral pa rin hanggang sa ngayon, sa panahon na ang Diyos ay nagsasagawa na ng gawain sa loob nang halos anim na libong taon. Kung gayon, sila ay wala nang lunas. Ito marahil ay dahil matigas ang ulo ng tao o walang sinumang tao ang maaring labagin ang kautusang pinamamahalaan ng Diyos—ngunit ang mga mangangaral ay kumakapit pa rin sa mga inaamag na mga lumang libro at mga babasahin, samantalang nagpapatuloy ang Diyos sa Kanyang hindi pa nakukumpletong gawain ng pamamahala na parang wala Siyang kasama sa Kanyang tabi. Sa kabila na ang mga pagsasalungatang ito ay ginawang magkaaway ang Diyos at ang tao, at lalong hindi maaaring papagkasunduin, hindi sila pinapansin ng Diyos, na parang nandoon sila samantalang wala naman. Gayunman, ang tao ay nananatili pa rin sa kanyang mga paniniwala at mga pagkakaintindi, at ’di kailanman binibitawan ang mga ito. Ngunit isang bagay ang maliwanag: Hindi man lumihis ang tao sa kanyang paninindigan, ang mga paa ng Diyos ay laging kumikilos at lagi Niyang iniiba ang Kanyang posisyon batay sa kapaligiran, at sa katapusan, ang tao ang siyang magagapi nang walang laban. Ang Diyos, samantala, ay ang pinakadakilang kaaway sa lahat ng Kanyang mga kalaban na nagapi na, at Siya ring kampeon sa gitna ng sangkatauhan na nagapi na at silang hindi pa nagagapi. Sino ang maaaring makipagtuos sa Diyos at manalo? Ang mga pagkakaintindi ng tao ay parang galing sa Diyos sapagkat marami sa mga ito ay lumitaw sa kalagitnaan ng paggawa ng Diyos. Nguni’t hindi patatawarin ng Diyos ang tao dahil dito at higit pa rito, ni hindi Siya magbubuhos ng papuri sa tao sa paggawa ng pulu-pulutong na mga produkto “para sa Diyos” na nangasa-labas ng gawain ng Diyos. Sa halip, Siya ay labis-labis na nasusuklam sa mga pagkakaintindi ng tao at lumang, nagbabanal-banalang paniniwala, at ni hindi pinapansin ang petsa kung kailan ang mga pagkaintindi na ito ay nagsimulang lumitaw. Ni hindi Niya tinatanggap na ang mga pagkakaintindi na ito ay bunga ng Kanyang gawain, sapagkat ang mga pagkaintindi ng tao ay ipinalalaganap ng tao; ang kanilang pinagmulan ay sa kalooban at pag-iisip ng tao, hindi ng Diyos, nguni’t ni Satanas. Ang palagiang layunin ng Diyos para sa Kanyang gawain ay maging bago at buhay, hindi luma at patay, at ito ang kung saan ang ginawa Niyang panghawakan ng tao ay nahahati sa mga kapanahunan at mga panahon, hindi walang hanggan at di-mababago. Ito ay dahil sa isa Siyang Diyos na nagiging dahilan upang mabuhay ang tao at maging bago, sa halip na isang diablo na nagiging dahilan upang mamatay ang tao at tumanda. Hindi mo pa rin ba ito maunawaan? May mga pagkaintindi ka tungkol sa Diyos na hindi mo mabitawan dahil sarado ang iyong isip. Hindi ito dahil halos walang saysay ang gawain ng Diyos o dahil ang gawain ng Diyos ay hindi makatao—ni, higit sa rito, ito ay dahil sa ang Diyos ay palaging pabaya sa Kanyang mga tungkulin. Na hindi mo magawang bitawan ang iyong mga pagkaintindi ay dahil masyado kang kulang sa pagsunod, at sapagka’t wala ka ni katiting na pagkakahawig sa isang nilalang ng Diyos, at hindi dahil ginagawang mahirap ng Diyos ang mga bagay para sa iyo. Ang lahat ng ito ay kagagawan mo, at walang kinalaman sa Diyos; lahat ng paghihirap at kasawian ay kagagawan ng tao. Ang mga layunin ng Diyos ay palaging mabuti: Hindi Niya ninanais na lumikha ka ng mga pagkakaintindi, nguni’t ninanais Niyang magbago ka at mapanibago habang lumilipas ang mga panahon. Nguni’t hindi ka mahusay kumilatis ng pagkakaiba, at palagi na lang nag-aaral o nagsusuri. Hindi naman sa ginagawang mahirap ng Diyos ang mga bagay para sa iyo, lamang ay wala kang paggalang sa Diyos, at napakalawak ng iyong pagsuway. Ang isang maliit na nilalang ay nangahas na kunin ang ilang walang kuwentang bahagi na ipinagkaloob na noong una ng Diyos, at binaligtad ito upang atakihin ang Diyos—hindi ba ito ang pagsuway ng tao? Ang tao, makatwiran lamang sabihin, ay lubos na hindi karapat-dapat na ipahayag ang kanyang mga palagay sa harap ng Diyos, lalong hindi siya karapat-dapat maglabas ng kung anumang walang kabuluhan, mabaho, nabubulok na mga kawikaan na gusto niya—huwag nang banggitin ang mga inaamag na mga pagkaintindi. Hindi ba sila mas lalong walang kabuluhan?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging Yaong mga Nakababatid Lamang ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Maaaring Paglingkuran ang Diyos
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video