Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Mga Hiwaga Tungkol sa Biblia | Sipi 274

Oktubre 8, 2020

Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at kakayahang magpakahulugan sa Biblia ay tulad ng pagkasumpong sa tunay na daan—ngunit sa katunayan, ganoon ba talaga kasimple ang mga bagay-bagay? Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito? Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na nakalipas ay gumagawa sa mga ito na kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan. Sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang nauunawaan sa gawain na nilalayong gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahangad ang buhay, dahil hinahangad mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahangad ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Biblia—ngunit ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga yaon na naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon. Sa pagbabasa ng Biblia, ang pinakamauunawaan mo ay kaunti ng kasaysayan ng Israel, matututuhan mo ang tungkol sa mga buhay nina Abraham, David, at Moises, iyong malalaman kung paano nila iginalang si Jehova, kung paano sinunog ni Jehova yaong mga kumalaban sa Kanya, at kung paano Siya nangusap sa mga tao ng kapanahunang iyon. Malalaman mo lamang ang tungkol sa gawain ng Diyos sa nakaraan. Ang mga talaan ng Biblia ay may kaugnayan sa kung paano ang unang mga tao ng Israel ay gumalang sa Diyos at nabuhay sa ilalim ng gabay ni Jehova. Dahil ang mga Israelita ay ang hinirang na mga tao ng Diyos, sa Lumang Tipan makikita mo ang katapatan ng lahat ng tao ng Israel kay Jehova, kung paanong ang lahat niyaong sumunod kay Jehova ay inalagaan at pinagpala Niya, matututuhan mo na noong gumawa ang Diyos sa Israel Siya ay puno ng awa at pagmamahal, gayundin ay nagtataglay ng tumutupok na ningas, at na ang lahat ng Israelita, mula sa aba hanggang sa makapangyarihan, ay gumalang kay Jehova, at sa gayon ang buong bansa ay pinagpala ng Diyos. Ganoon ang kasaysayan ng Israel na naitala sa Lumang Tipan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Bibliya 4

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin