Christian Song | "Isang Pusong Tapat sa Diyos" | 2026 Mga Tinig ng Papuri
Enero 14, 2026
I
O Diyos! Bagama't ang buhay ko ay hindi masyadong mahalaga sa Iyo, nais kong ilaan ito sa Iyo. Bagama't hindi karapat-dapat ang mga tao na mahalin Ka, at ang kanilang pagmamahal at puso ay walang halaga, naniniwala ako na alam Mo ang mga intensiyon ng mga tao. At kahit hindi katanggap-tanggap sa Iyo ang laman ng mga tao, hinihiling kong tanggapin Mo ang puso ko. Handa akong ilaan ang puso ko nang buong-buo sa Diyos. Kahit na wala akong magawang anuman para sa Diyos, handa akong tapat na palugurin ang Diyos at magkaroon ng iisang puso at isipan para sa Kanya. Naniniwala ako na tiyak na sisiyasatin ng Diyos ang puso ko.
II
O Diyos! Wala akong hinihiling sa buhay ko kundi ang tanggapin ng Diyos ang aking mga pag-iisip ng pagmamahal sa Diyos at ang ninanais ng puso ko. Napakatagal kong kapiling ang Diyos, pero hindi ko Siya minahal kailanman; iyon ang pinakamalaki kong pagkakautang. Kahit nanatili ako sa piling Niya, hindi ko Siya kilala, at nagsalita pa ako ng ilang bagay na hindi angkop sa Kanyang likuran. Ang pag-iisip sa mga bagay na ito ay mas nagpapadama sa akin na mas malaki ang pagkakautang ko sa Diyos. Mas hamak pa ako sa alikabok. Wala akong magagawa kundi ilaan ang tapat na pusong ito sa Diyos.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakilala ni Pedro si Jesus
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video