Tagalog Christian Song | "Dapat Mong Palugurin ang Diyos sa Pag-Abot sa Kanyang Pamantayan"

Agosto 2, 2020

Bago magpasya sa'yong konklusyon,

unawain ang tingin ng Diyos sa'yo.

Alamin iniisip Niya, saka ka magpasya

kung paraan ng pag-iisip mo'y tama.

'Di sinusukat kinalabasan ng tao

sa oras, o ga'no sila naghirap.

Bagay na 'di ayon sa pamantayan ng Diyos

mula sa pagkaunawa o haraya ng tao.

Kung bitawan mo paraan mo ng pag-iisip

at iwasto maling pananaw sa nakaraan,

kung matakot ka sa Diyos, umiwas sa masama,

parangalang dakila ang Diyos sa lahat,

kung 'di mo gamitin ang sariling pagkaunawa,

o paniniwala sa pagtukoy sa'yo at sa Diyos,

kung hanapin mo ang layunin N'ya at

unawain ang saloobin Niya sa sangkatauhan,

kung abutin mo ang pamantayan Niya,

ito ay magiging kahanga-hanga,

ipapakita nitong ika'y nagsisimula sa paglalakbay

ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama.

Kung ipilit mo ang 'yong pagkaunawa,

ang bunga'y pagtanggi ng Diyos sa'yo.

Pinagyayabang mo'ng sarili sa Kanya,

nakikipagtalo't lumalaban sa Diyos.

'Di sinusubukang alamin kalooban Niya,

o ang saloobin N'ya sa tao.

Kung tahakin mo'ng landas na ito,

tinataas mo'ng sarili mo sa lahat.

Hindi nito dinadakila ang Diyos.

Naniniwala ka sa sarili mo, 'di sa Diyos.

Ayaw ng Diyos sa ganitong tao,

hindi N'ya bibigyan'g kaligtasan.

Kung bitawan mo paraan mo ng pag-iisip

at iwasto maling pananaw sa nakaraan,

kung matakot ka sa Diyos, umiwas sa masama,

parangalang dakila ang Diyos sa lahat,

kung 'di mo gamitin ang sariling pagkaunawa,

o paniniwala sa pagtukoy sa'yo at sa Diyos,

kung hanapin mo ang layunin N'ya at

unawain ang saloobin Niya sa sangkatauhan,

kung abutin mo ang pamantayan Niya,

ito ay magiging kahanga-hanga,

ipapakita nitong ika'y nagsisimula sa paglalakbay

ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger