Tagalog Testimony Videos, Ep. 921: Ang Aral na Natutunan Ko Nang Paalisin ang mga Kapamilya Ko
Mayo 21, 2026
Nagsimula siyang manampalataya sa Panginoon sa edad na 17 kasama ang kanyang pamilya, at matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, silang lahat ay labis na masigasig na gumugol ng kanilang sarili. Naniwala siya na basta't nagpupursigi ang buo niyang pamilya sa paggawa ng kanilang mga tungkulin at sumusunod sa Diyos hanggang sa huli, maliligtas sila at makakapasok sa kaharian ng Diyos kapag natapos na ang Kanyang gawain. Pero makalipas ang mahigit isang dekada, nalaman niya na sunod-sunod na pinaalis sa iglesia ang kanyang tatay at kapatid na babae. Dahil hindi niya malinaw na nakita ang kanilang diwa, naisip pa nga niyang talikuran ang kanyang atas para tulungan at suportahan sila, at sinubukan niyang panatilihin sila sa iglesia dahil sa pagmamahal. Sa huli, paano niya nakilatis ang kanilang diwa at binitiwan ang kanyang pagmamahal para tratuhin nang tama ang pagpapaalis sa kanila?
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video