Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 226

Agosto 15, 2020

Pinamamahalaan Ko ang Aking awtoridad sa mundo, inilalahad ang Aking gawain sa kabuuan nito. Lahat ng nasa Aking gawain ay nasasalamin sa ibabaw ng lupa; hindi kailanman nakayang maunawaan ng sangkatauhan, sa daigdig, ang Aking mga pagkilos sa kalangitan, o ni masusing pag-isipan ang mga ligiran at mga tilapon ng Aking Espiritu. Ang karamihan sa mga tao ay nauunawaan lamang ang maliliit na detalyeng nasa labas ng espiritu, nang hindi nauunawaan ang aktuwal na kalagayan ng espiritu. Ang mga pangangailangan na Aking hinihingi sa sangkatauhan ay hindi lumalabas mula sa malabong Ako na nasa langit, o mula sa di-mawaring Ako na nasa lupa: Gumagawa Ako ng mga angkop na pangangailangan batay sa tayog ng tao sa mundo. Hindi Ko kailanman inilagay ang sinuman sa mga paghihirap, ni hiniling kaninuman na “pigain ang kanyang dugo” para sa Aking kaluguran: Maaari kaya na ang Aking mga pangangailangan ay limitado lamang sa mga kundisyong ito? Sa di-mabilang na mga nilalang sa daigdig, alin sa mga ito ang hindi nagpapasakop sa mga disposiyon ng mga salita sa Aking bibig? Alin sa mga nilalang na ito, na lumalapit sa harap Ko, ang hindi lubusang nasunog sa pamamagitan ng Aking mga salita at ng Aking nagliliyab na apoy? Alin sa mga nilalang na ito ang nangangahas na palalong lumakad sa mayabang na pagbubunyi sa Aking harapan? Alin sa mga nilalang na ito ang hindi yumuyukod sa Akin? Ako ba ang Diyos na nagpapataw lamang ng katahimikan sa sangnilikha? Sa di-mabilang na bagay sa sangnilikha, pinipili Ko ang makapagbibigay kasiyahan sa Aking intensyon; sa di-mabilang na tao sa sangkatauhan, pinipili Ko ang mga nagmamalasakit sa Aking puso. Pinipili Ko ang pinakamaganda sa lahat ng mga bituin, upang makapagdagdag ng bahagyang sinag ng liwanag sa Aking kaharian. Naglalakad-lakad Ako sa lupa, nagsasabog ng Aking bango sa lahat ng dako, at iniiwan ang Aking anyo sa bawat lugar. Umaalingawngaw sa bawat lugar ang tunog ng Aking tinig. Ang mga tao sa lahat ng dako ay nananatiling ginugunita ang magagandang tanawin ng kahapon, dahil inaalala ng buong sangkatauhan ang nakalipas …

Ang buong sangkatauhan ay nananabik na makita ang Aking mukha, ngunit nang bumaba Ako sa lupa nang personal, tutol silang lahat sa Aking pagdating, itinaboy nilang lahat ang liwanag sa pagdating nito, na parang kaaway Ako ng tao sa kalangitan. Binabati Ako ng tao nang may pagsanggalang na liwanag sa kanyang mga mata, at palaging nananatiling alerto, matinding natatakot na baka may ibang plano Ako para sa kanya. Dahil ang turing sa Akin ng mga tao ay kaibigang hindi kilala, pakiramdam nila na parang may intensyon Akong patayin sila nang walang pili-pili. Sa mata ng tao, Ako ay isang nakamamatay na katunggali. Matapos maramdaman ang Aking mainit na pagtulong sa gitna ng kalamidad, ang tao gayunpama’y hindi pa rin batid ang Aking pagmamahal, at determinado pa rin na hinahadlangan Ako at sinasalungat. Sa halip na pagsamantalahan siya sa ganitong kalagayan upang kumilos laban sa kanya, niyayapos Ko ang tao sa mainit na yakap, pinupuno Ko ang kanyang bibig ng katamisan, at nilalagyan Ko ng kailangang pagkain ang kanyang tiyan. Ngunit, nang yanigin ng Aking nagpupuyos na galit ang mga bundok at mga ilog, hindi Ko na, dahil sa karuwagan ng tao, ipagkakaloob sa kanya ang iba’t ibang uri ng pagtulong na ito. Sa sandaling ito, Ako ay magngangalit, tinatanggihang bigyan ng pagkakataong magsisi ang lahat ng may-buhay at, binibitawan na ang lahat ng pag-asa sa tao, ilalapat Ko sa kanya ang parusang talaga namang nararapat sa kanya. Sa pagkakataong ito, nagsasalimbayan ang mga kidlat at dumadagundong ang mga kulog, tulad ng mga alon sa dagat na nagpupuyos sa galit, tulad ng libu-libong bundok na nagsisiguho. Dahil sa kanyang paghihimagsik, ang sangkatauhan ay pinapatumba ng kulog at kidlat, ang iba pang nilalang ay nililipol sa mga pagsabog ng kulog at kidlat, ang buong sansinukob ay biglang lumulusong sa malaking kaguluhan, at ang buong sangnilikha ay hindi na nakapapanumbalik sa pangunahing hininga ng buhay. Ang di-mabilang na hukbo ng sangkatauhan ay hindi makatatakas sa dagundong ng kulog; sa gitna ng mga kislap ng kidlat, ang mga tao, pulutong sa kapwa pulutong, nabubuwal sa matuling umaagos na batis, at upang tangayin ng malalakas na agos na bumababa mula sa mga bundok. Nang biglang, sa lugar na kanlungan ng mga tao doon nagtitipon ang isang mundo ng mga tao. Tinatangay ang mga bangkay sa ibabaw ng karagatan. Ang buong sangkatauhan ay nagsilayo sa Akin dahil sa Aking poot, dahil ang tao ay nagkasala laban sa diwa ng Aking Espiritu, hindi naging kalugod-lugod sa Akin ang kanyang paghihimagsik. Ngunit sa mga lugar na walang tubig, nagtatamasa pa rin ang ibang mga tao, sa gitna ng tawanan at awitan, sa mga pangakong Aking pinayagan para sa kanila.

Nang tumatahimik na ang buong sangkatauhan, naglalabas Ako ng sinag ng liwanag sa harap ng titig nito. Dahil doon, magiging malinaw ang isipan ng mga tao at liliwanag ang mata, at titigil sa pananatiling tahimik; kaya ang damdaming espirituwal ay kaagad naiipon sa kanilang mga puso. Sa panahong ito, lahat ng tao ay muling nabuhay. Isinasantabi ang kanilang mga di-masabing hinaing, humaharap ang lahat ng tao sa Akin, matapos nilang napanalunan ang isa pang pagkakataon na maligtas sa pamamagitan ng mga salita na Aking inihahayag. Ito ay dahil nais ng lahat ng tao na mamuhay sa ibabaw ng lupa. Ngunit sino sa kanila ang kailanma’y nagkaroon ng layunin na mamuhay para sa Aking kapakanan? Sino sa kanila ang kailanma’y nailantad ang mga maningning na bagay sa kanya upang bigyan Ako ng kasiyahan? Sino sa kanila ang kailanma’y nakatuklas ng isang nakaaakit na pabango sa Akin? Lahat ng tao ay gawa sa magaspang at hindi pinong sangkap: Sa panlabas, parang sinisilaw nila ang mga mata, ngunit sa kanilang talagang mga sarili, hindi nila Ako minamahal nang taimtim, dahil sa kaibuturan ng puso ng tao, wala ni kahit pinakamaliit na bahagi Ko. Ang tao ay labis na nagkukulang: Kung ihahambing siya sa Aking sarili, lumilitaw na kami ay magkasinlayo tulad ng lupa sa langit. Ngunit, gayon pa man, hindi Ko sinasalakay ang tao sa kanyang mahihina at matatablang bahagi, ni pinagtatawanan upang hamakin dahil sa kanyang mga pagkukulang. Ang Aking mga kamay ay gumagawa sa mundo sa loob ng libu-libong taon, habang nananatiling nakamasid ang Aking mga mata sa buong sangkatauhan. Ngunit kailanman wala Akong bale-wala lamang na kinuhang buhay ng tao upang paglaruan na parang isang laruan ito. Minamatyagan Ko ang dugo sa puso ng tao, at nalalaman Ko ang halaga na kanyang binayaran. Habang nakatayo siya sa harap Ko, hindi Ko hinahangad na pagsamantalahan ang kawalang kakayahan ng tao na ipagtanggol ang kanyang sarili upang parusahan siya, ni ipagkaloob sa kanya ang mga di-kanais-nais na bagay. Sa halip, natustusan Ko lang ang tao, at nakapagbigay sa kanya, sa buong panahong ito. Kaya, kung ano ang tinatamasa ng tao, iyon ay dahil sa Aking biyaya, lahat ng kasaganaan na nagmumula sa Aking mga kamay. Dahil Ako ay nasa daigdig, hindi kailangang dumanas ang tao ng pagpapahirap ng pagkagutom. Sa halip, pinahintulutan Ko ang tao na tumanggap mula sa Aking mga kamay ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya, at pinahihintulutan Ko ang sangkatauhan na mamuhay ayon sa Aking mga pagpapala. Hindi ba’t ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng Aking pagkastigo? Tulad ng mga bundok na nagtataglay nang labis-labis at kasaganaan sa kalaliman nito, at ang mga tubig sa kaaliwalasan nito ay mga bagay na tinatamasa, hindi ba ang mga taong nabubuhay ngayon ayon sa Aking mga salita, lalong higit pa, ay mayroong pagkain na kanilang ikinalulugod at nalalasahan? Ako ay nasa daigdig at nasisiyahan ang sangkatauhan sa Aking mga pagpapala sa daigdig. Kapag iniwan Ko na ang daigdig, ay kung kailan din mararating ng Aking gawain ang kaganapan nito, sa pagkakataong iyon, hindi na makatatanggap ang sangkatauhan ng anumang tulong mula sa Akin dahil sa kanilang kahinaan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 17

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger