Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 221

Agosto 10, 2020

Ang mga salita ng Diyos ay lalaganap sa di-mabilang na mga tahanan, ang mga ito ay makikilala ng lahat, at tanging ito lamang ang paraan kung paano lalawak ang Kanyang gawa sa sansinukob. Na ibig sabihin, kung ang gawa ng Diyos ay upang maipakalat sa buong sansinukob, samakatuwid ang Kanyang mga salita ay dapat maipakalat. Sa araw ng kaluwalhatian ng Diyos, ipapakita ng mga salita ng Diyos ang kanilang kapangyarihan at awtoridad. Ang bawat isa sa Kanyang mga salita mula sa oras nang walang-hanggan hanggang ngayon ay matutupad at magkakatotoo. Sa paraang ito, kaluwalhatian ang mapapa-sa Diyos sa lupa—na ang ibig sabihin, ang Kanyang mga salita ay maghahari sa lupa. Ang lahat ng masama ay parurusahan ng mga salita sa bibig ng Diyos, ang lahat ng mabubuti ay pagpapalain ng mga salita sa Kanyang bibig, at ang lahat ay itatatag at makukumpleto ng mga salita sa Kanyang bibig. Ni hindi rin Siya magpapakita ng anumang palatandaan o kababalaghan; ang lahat ay matutupad ng Kanyang mga salita, at ang Kanyang mga salita ay magdudulot ng mga katotohanan. Lahat ng nasa lupa ay magdidiwang sa salita ng Diyos, maging matatanda o mga bata, lalaki, babae, matanda, o bata, ang lahat ng tao ay susukob sa ilalim ng mga salita ng Diyos. Lilitaw ang mga salita ng Diyos bilang laman, at lilitaw na matingkad at parang buhay sa mga tao sa lupa. Ito ang pakahulugan ng Salita na maging laman. Ang Diyos ay naparito sa lupa pangunahin upang isaganap ang katotohanan na “ang Salita ay naging laman,” na ibig sabihin ay, Siya ay naparito upang ang Kanyang mga salita ay magmula sa katawang-tao (hindi tulad ng sa panahon ni Moises sa Lumang Tipan, nang ang Diyos ay direktang nagsalita mula sa langit). Matapos noon, ang bawat isa sa Kanyang mga salita ay matutupad sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ang mga ito ay magiging katotohanang nakikita ng mga mata ng tao, at makikita ang mga ito ng mga tao gamit ang sariling mga mata nang walang kahit bahagyang pagkakaiba. Ito ang pinakamataas na kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang gawa ng Espiritu ay matutupad sa pamamagitan ng laman, at sa pamamagitan ng mga salita. Ito ang tunay na kahulugan ng “ang Salita ay naging katawang-tao” at “ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao.” Ang Diyos lamang ang maaaring makapagsalita ng kalooban ng Espiritu, at tanging ang Diyos na nasa katawang-tao ang maaaring magsalita sa ngalan ng Espiritu; ang mga salita ng Diyos ay ginagawang payak sa katawang-tao ng Diyos, at ang lahat ay nagagabayan nito. Walang sinuman ang hindi sakop, lahat sila ay umiiral sa loob ng saklaw nito. Mula lamang sa mga bigkas na ito mauunawaan ng mga tao; silang hindi makakaunawa nito ay nananaginip kung sa tingin nila ay mauunawaan nila ang mga salitang ito sa langit. Ganoon ang awtoridad na ipinakita sa katawang-tao ng Diyos: na nagpapaniwala sa lahat. Kahit na ang pinaka kapita-pitagang mga eksperto at mga relihiyosong pastor ay hindi makakapagbigkas ng mga salitang ito. Sila ay dapat sumampalataya sa salita, at walang makakagawa ng panibagong simulain. Gagamitin ng Diyos ang mga salita na lulupig sa sansinukob. Gagawin Niya ito nang hindi gamit ang Kanyang katawang-tao, kundi sa pamamagitan ng mga pagbibigkas mula sa bibig ng Diyos na naging katawang-tao upang lupigin ang lahat ng tao sa buong sansinukob; tanging ito lamang ang Salita ng nagkatawang laman, at ito lamang ay hitsura ng Salita sa laman. Marahil, sa mga tao, mukhang hindi gumawa nang lubusan ang Diyos—ngunit kailangan munang bumigkas ang Diyos ng Kanyang mga salita upang lubusang paniwalaan ng mga tao, at para sila’y lubusang humanga. Sa walang katotohanan, sumisigaw at naghihiyawan ang mga tao; sa salita ng Diyos, sila ay nananahimik. Tiyak na makakamit ng Diyos ang katotohanang ito, sapagka’t ito ang pangmatagalang plano ng Diyos: pagtupad sa katotohanan ng pagdating ng Salita sa lupa. Sa katunayan, walang pangangailangan para sa Akin na magpaliwanag—ang pagdating ng Milenyong Kaharian sa lupa ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos sa lupa. Ang paglusong ng Bagong Herusalem mula sa langit ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos na mamumuhay kasama ng tao, na gagabay sa bawat pagkilos ng tao, at lahat ng kanyang buong kaloob-loobang mga pag-iisip. Ito rin ang katotohanan na ang Diyos ay nagsasakatuparan, at ang kahanga-hangang tanawin ng Milenyong Kaharian. Ito ang planong itinakda ng Diyos: Ang Kanyang mga salita ay iiral sa lupa nang isang libong taon, at ipapahayag ng mga ito ang lahat ng Kanyang mga gawa, at kukumpleto sa lahat ng Kanyang gawa sa lupa, pagkatapos ng yugtong ito ang sangkatauhan ay sasapit sa kanilang katapusan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumating Na ang Milenyong Kaharian

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger