Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 198

Setyembre 4, 2020

Ngayon, gumagawa Ako sa mga taong hinirang ng Diyos sa Tsina, upang ibunyag ang lahat ng kanilang mapanghimagsik na disposisyon at ilantad ang lahat ng kanilang kapangitan, at ito ang konteksto ng pagsasabi ng lahat ng kailangan Kong sabihin. Pagkatapos, kapag isinasakatuparan Ko ang susunod na hakbang ng gawain ng panlulupig sa buong sansinukob, gagamitin Ko ang Aking paghatol sa inyo upang hatulan ang di-pagkamatuwid ng bawa’t isa sa buong sansinukob, sapagka’t kayong mga tao ay ang mga kumakatawan sa mga mapanghimagsik sa sangkatauhan. Silang mga hindi bubuti ay magiging mga hambingan at mga gamit sa paglilingkod lamang, samantalang silang bubuti ay gagamitin. Bakit Ko sinasabi na silang mga hindi bubuti ay magsisilbi lamang bilang mga hambingan? Sapagka’t ang Aking mga salita at gawain sa kasalukuyan ay nakatutok sa inyong mga pinagmulan, at dahil kayo ay naging mga kumakatawan at ang halimbawa ng mga mapanghimagsik sa buong sangkatauhan. Kalaunan, dadalhin Ko ang mga salitang ito na lumulupig sa inyo sa mga dayuhang bansa at gagamitin Ko ang mga ito upang lupigin ang mga tao roon, nguni’t ang mga ito’y hindi mo makakamtan. Hindi ka ba magiging hambingan sa gayon? Ang mga tiwaling disposisyon ng buong sangkatauhan, ang mga mapanghimagsik na kilos ng tao, at ang mga pangit na larawan at mukha ng tao—lahat ng ito ay nakatala ngayon sa mga salita na ginagamit upang lupigin kayo. Gagamitin Ko sa gayon ang mga salitang ito upang lupigin ang mga tao sa bawa’t bansa at bawa’t denominasyon sapagka’t kayo ang modelo, ang nauna. Gayunpaman, hindi Ko binalak na sadyang pabayaan kayo; kung ikaw ay nagkukulang sa iyong paghahabol at samakatuwid pinatutunayan mong ikaw ay di-mapapagaling, hindi ba’t ikaw ay magiging basta na lang isang gamit sa paglilingkod at isang hambingan? Nasabi Ko minsan na ang Aking karunungan ay ginagamit batay sa mga pakana ni Satanas. Bakit Ko sinabi iyon? Hindi ba iyon ang katotohanan sa likod ng Aking sinasabi at ginagawa ngayon? Kung hindi ka bubuti, kung hindi ka ginagawang perpekto nguni’t sa halip ay pinarurusahan, hindi ka ba magiging isang hambingan? Maaaring nagdusa ka nang matindi sa iyong panahon, nguni’t wala ka pa ring nauunawaan; ikaw ay mangmang sa lahat ng bagay tungkol sa buhay. Kahit na ikaw ay nakastigo at nahatulan na, hindi ka pa rin nagbago sa anumang paraan, at sa iyong kaibuturan, hindi ka nakatamo ng buhay. Pagdating ng panahon para subukin ang iyong gawain, makararanas ka ng isang pagsubok na kasingbangis ng apoy at higit pang matinding kapighatian. Gagawing abo ng apoy na ito ang iyong buong pagkatao. Bilang isa na hindi nagtataglay ng buhay, isa na wala ni isang onsang dalisay na ginto sa loob, isa na nakakapit pa rin sa dating tiwaling disposisyon, at isa na ni hindi makagawa ng isang mahusay na trabaho bilang isang hambingan, paanong hindi ka maaalis? Mayroon bang silbi sa gawaing panlulupig ang isa na mas mababa pa ang halaga kaysa sa isang kusing, isa na hindi nagtataglay ng buhay? Kapag dumating ang panahong iyon, ang inyong mga araw ay magiging mas mahirap kaysa roon nina Noe at ng Sodoma! Ang iyong mga panalangin ay walang magagawang mabuti para sa iyo sa panahong iyon. Kapag natapos na ang gawaing pagliligtas, paano ka makakabalik kalaunan at mag-uumpisang muli na magsisi? Sa sandaling ang lahat ng gawaing pagliligtas ay nagawa na, hindi na magkakaroon pa; ang magaganap ay ang simula ng gawain ng pagpaparusa sa mga yaon na masama. Ikaw ay lumalaban, ikaw ay naghihimagsik, at ikaw ay gumagawa ng mga bagay na alam mong masama. Hindi ba ikaw ang pinatutungkulan ng mabigat na kaparusahan? Nililinaw Ko ito sa iyo ngayon. Kung pipiliin mong huwag makinig, kapag sumapit sa iyo ang sakuna kinalaunan, hindi ba magiging huli na kung noon mo lamang sisimulang madama ang pagsisisi at sisimulang maniwala? Ibinibigay Ko sa iyo ang isang pagkakataon na magsisi ngayon, nguni’t ayaw mo. Gaano katagal mo nais maghintay? Hanggang sa araw ba ng pagkastigo? Hindi Ko natatandaan ngayon ang iyong nakaraang mga paglabag; pinapatawad Kita nang paulit-ulit, tinatalikdan ang iyong negatibong panig upang tumingin lamang sa iyong positibong panig, sapagka’t lahat ng Aking salita at gawain sa kasalukuyan ay upang iligtas ka at wala Akong masamang layunin sa iyo. Nguni’t tumatanggi kang pumasok; hindi mo makita ang pagkakaiba ng mabuti sa masama at hindi mo alam kung paano pahalagahan ang kagandahang-loob. Hindi ba ang gayong mga tao ay naghihintay lamang sa pagdating ng kaparusahan at matuwid na kagantihan?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 1

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger