Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Gawain ng Diyos | Sipi 163
Agosto 2, 2020
Sina Isaias, Ezekiel, Moises, David, Abraham, at si Daniel ay mga pinuno o mga propeta sa mga piniling tao sa Israel. Bakit hindi sila tinawag na Diyos? Bakit hindi nagpatotoo ang Banal na Espiritu sa kanila? Bakit nagpatotoo ang Banal na Espiritu kay Jesus nang sandaling nagsimula Siya ng gawain at nagsimulang magpahayag ng Kanyang salita? At bakit hindi nagpatotoo ang Banal na Espiritu para sa iba? Sila, mga taong mula sa laman, lahat ay tinawag na “Panginoon.” Hindi alintana kung ano ang tawag sa kanila, ang kanilang gawain ay kumakatawan sa kanilang diwa at pagkatao, at ang kanilang pagkatao at diwa ay kumakatawan sa kanilang pagkakakilanlan. Ang kanilang diwa ay walang kaugnayan sa kanilang katawagan; ito ay kumakatawan sa kung ano ang kanilang ipinahayag, at kung ano ang kanilang isinasabuhay. Sa Lumang Tipan, walang hindi pangkaraniwan kung ikaw ay tatawaging Panginoon, at ang isang tao ay maaaring tawagin sa kahit na anong paraan, ngunit ang kanyang diwa at likas na pagkakakilanlan ay hindi nagbabago. Sa mga bulaang Kristo, bulaang propeta at mga mandaraya, wala ba sa mga yaon ang tinatawag ding Diyos? At bakit hindi sila Diyos? Dahil wala silang kakayahan upang isagawa ang gawain ng Diyos. Sa pinakaugat, sila’y mga tao, mga mandaraya ng tao, at hindi Diyos, kaya wala sa kanila ang pagkakakilanlan ng Diyos. Hindi ba’t si David ay tinawag ding Panginoon ng labindalawang tribo? Si Jesus ay tinawag din na Panginoon; bakit si Jesus lamang ang tinawag na nagkatawang-taong Diyos? Hindi ba’t kilala rin bilang Anak ng tao si Jeremias? Hindi ba’t si Jesus ay kilala rin bilang Anak ng tao? Bakit ipinako sa krus si Jesus alang-alang sa Diyos? Dahil ba iba ang Kanyang diwa? Hindi ba ito dahil ang gawaing Kanyang isinagawa ay iba? Mahalaga ba ang titulo? Kahit na si Jesus ay tinawag ding Anak ng tao, Siya ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos, Siya ay nakarating upang magkaroon ng kapangyarihan, at isakatuparan ang gawain ng pagtubos. Pinatutunayan nito na ang pagkakakilanlan at diwa ni Jesus ay naiiba mula sa ibang tinawag ding Anak ng tao. Ngayon, sino sa inyo ang mangangahas na magsabi na ang lahat ng mga salitang sinabi ng yaong mga ginamit ng Banal na Espiritu ay mula sa Banal na Espiritu? Mayroon ba sa inyo ang mangangahas sabihin ang gayong mga bagay? Kapag sinabi mo ang gayong mga bagay, bakit iwinaksi ang aklat ng hula ni Ezra, at bakit ganoon din ang ginawa sa mga aklat ng mga sinaunang banal at propeta? Kung ang lahat ng iyon ay mula sa Banal na Espiritu, bakit kayo nagtatangkang gumawa ng ganoong mga pabago-bagong pagpili? Ikaw ba ay karapat-dapat na pumili ng gawain ng Banal na Espiritu? Maraming mga kwento mula sa Israel ang iwinaksi rin. At kung ikaw ay naniniwala na ang mga kasulatang ito ng nakaraan ay pawang mula sa Banal na Espiritu, sa gayon bakit iwinaksi ang ilan sa mga aklat? Kung ang lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu, ang lahat ng mga ito ay dapat itago, at ipadala sa mga kapatid ng mga iglesia upang basahin. Hindi dapat piliin at iwaksi ang mga ito batay sa kalooban ng tao; mali ang gawin iyon. Ang pagsabi na ang mga karanasan nina Pablo at Juan ay nakahalo sa kanilang mga sariling nakikita ay hindi nangangahulugan na ang kanilang mga karanasan at kaalaman ay mula kay Satanas, sa halip ay dahil mayroon silang mga bagay na nagmula sa kanilang mga sariling karanasan at nakikita. Ang kanilang kaalaman ay ayon sa pinagmulan ng mga aktwal na karanasan sa panahong iyon, at sino ang siguradong makapagsasabi na ang lahat ng ito ay mula sa Banal na Espiritu? Kung ang lahat ng Apat na Ebanghelyo ay nagmula sa Banal na Espiritu, kung gayon bakit si Mateo, Marcos, Lukas, at Juan ay iba’t iba ang nasabi tungkol sa gawain ni Jesus? Kung hindi kayo naniniwala rito, tingnan ninyo ang mga tala sa Biblia kung paanong tatlong beses na itinanggi ni Pedro ang Panginoon: Magkakaiba silang lahat, at bawat isa ay mayroong kani-kanyang mga katangian. Maraming mga mangmang ang nagsasabing, ang Diyos na nagkatawang-tao ay isa ring tao, kaya ang mga salita ba na Kanyang ipinahayag ay ganap na mula sa Banal na Espiritu? Kung ang mga salita nina Pablo at Juan ay ihinalo sa kalooban ng tao, kung gayon ang mga salita bang Kanyang ipinahayag ay hindi talaga nahaluan ng kalooban ng tao? Ang mga taong nagsasabi ng ganoong bagay ay mga bulag, at mangmang! Basahin nang mabuti ang Apat na Ebanghelyo; basahin kung ano ang kanilang itinala tungkol sa mga bagay na ginawa ni Jesus, at ang mga salitang sinabi Niya. Ang bawat ulat ay, talagang simple, kakaiba, at bawat isa ay mayroong sariling pananaw. Kung ang isinulat ng mga manunulat sa mga aklat na ito ay mula lahat sa Banal na Espiritu, kung gayon ang lahat ng ito ay dapat magkakatulad at hindi pabago-bago. Kaya bakit mayroong mga hindi pagkakaayon? Hindi ba lubhang hangal ang mga tao para hindi ito makita? Kapag ikaw ay naatasang magpatotoo sa Diyos, anong uri ng patotoo ang iyong maibibigay? Ang ganoong paraan ba ng pagkilala sa Diyos ay makapagpapatotoo sa Kanya? Kung ikaw ay tatanungin ng iba, “Kung ang mga tala nina Juan at Lucas ay ihinalo sa kalooban ng tao, ang mga salita bang sinabi ng inyong Diyos ay hindi nahaluan ng kalooban ng tao?” makapagbibigay ka ba ng malinaw na kasagutan? Matapos marinig nina Lucas at Mateo ang mga salita ni Jesus, at makita ang gawain ni Jesus, sila ay nagsalita ayon sa kanilang sariling kaalaman, dinetalye nila ayon sa kanilang mga gunita ang ilan sa mga totoong ginawa ni Jesus. Masasabi mo bang ang kanilang kaalaman ay lubos na naibunyag ng Banal na Espiritu? Sa labas ng Biblia, maraming mga espiritwal na kilalang tao na mayroong higit na matayog na kaalaman kaysa sa kanila; bakit hindi tinanggap ng mga sumunod na salinlahi ang kanilang mga salita? Hindi rin ba sila ginamit ng Banal na Espiritu? Dapat mong malaman na sa gawain ngayon, hindi Ako nangungusap ayon sa Aking nakikita batay sa saligan ng gawain ni Jesus, ni hindi rin Ako nangungusap ayon sa Aking sariling kaalaman laban sa pinagmulan ng gawain ni Jesus. Anong gawain ang isinagawa ni Jesus sa panahong iyon? At ano ang gawaing Aking isinasagawa ngayon? Anuman ang Aking ginagawa o sinasabi ay walang pamamarisan. Ang landas na Aking tinatahak ngayon ay hindi pa natahak noon, walang sinuman mula sa nakalipas na panahon at salinlahi ang tumahak dito. Ngayon, ito ay nabuksan, at hindi ba ito ang gawain ng Espiritu? Kahit na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, isinakatuparan ng mga pinuno sa nakaraan ang kanilang gawain batay sa saligan ng iba. Ngunit ang gawain ng Diyos Mismo ay iba, gayundin ang yugto ng gawain ni Jesus: Nagbukas Siya ng bagong daan. Nang Siya ay dumating, nangaral Siya ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at nagsabi na nararapat magsisi ang tao, at umamin. Nang matapos ni Jesus ang Kanyang gawain, ipinagpatuloy nina Pedro at Pablo at ng iba pa ang gawain ni Jesus. Pagkatapos maipako si Jesus sa krus at umakyat sa langit, isinugo sila ng Espiritu upang ipalaganap ang daan ng krus. Kahit na ang mga salita ni Pablo ay idinakila, ang mga ito ay batay din sa inilatag na saligan ni Jesus, katulad ng pagtitiis, pag-ibig, pagdurusa, pagtatakip ng ulo, pagbabautismo, o ang mga ibang doktrina na dapat sundin. Ang lahat ng ito ay batay sa saligan ng mga salita ni Jesus. Wala silang kakayahan upang magbukas ng bagong daan, dahil lahat sila ay mga tao na ginamit ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video