Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 200

Agosto 18, 2020

Ang Saloobin na kinakailangan ng Diyos na Dapat Taglayin ng Sangkatauhan Tungo sa Kanya

Sa katunayan, ang Diyos ay hindi masyadong mapagkailangan sa tao—o basta, hindi Siya mapagkailangan kagaya ng iniisip ng mga tao. Kung wala ang mga pagbigkas ng Diyos, o anumang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon, mga gawa, o mga salita, kung gayon ang pagkilala sa Diyos ay magiging napakahirap para sa inyo, sapagkat kailangan pang mahiwatigan ng mga tao ang intensyon at kalooban ng Diyos, na napakahirap para sa kanila. Ngunit tungkol sa huling yugto ng Kanyang gawain, nagsalita na ang Diyos nang napakaraming mga salita, nakapagsagawa ng napakalaking gawain, at gumawa ng napakaraming mga kinakailangan sa tao. Sa Kanyang mga salita, at sa Kanyang napakaraming gawain, naipaabot Niya sa mga tao ang Kanyang ninanais, Kanyang kinasusuklaman, at kung anong uri ng mga tao sila dapat maging. Pagkatapos maintindihan ang mga bagay na ito, ang mga tao ay dapat magkaroon ng wastong kahulugan ng mga kinakailangan ng Diyos sa kanilang mga puso, sapagkat hindi sila naniniwala sa Diyos sa gitna ng pagiging malabo at kawalang-linaw at hindi na sila maniniwala pa sa malabong Diyos, o sumusunod sa Diyos sa gitna ng pagiging malabo at kawalang-linaw, at kawalan; sa halip, naririnig ng mga tao ang mga pagbigkas ng Diyos, maiintindihan nila ang mga pamantayan ng Kanyang mga kinakailangan, at makakamit ang mga ito, at ginagamit ng Diyos ang wika ng sangkatauhan upang sabihin sa mga tao ang lahat ng dapat nilang malaman at maintindihan. Sa araw na ito, kung wala pa ring alam ang mga tao sa mga kinakailangan ng Diyos sa kanila, kung ano ang Diyos, bakit sila naniniwala sa Diyos, at kung paano sila dapat maniwala sa Diyos at makitungo sa Kanya, kung gayon sa ganito mayroon isang suliranin. … Ang tamang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan at sa mga sumusunod sa Kanya ay ang mga sumusunod. Ang Diyos ay nangangailangan ng limang bagay sa yaong sumusunod sa Kanya: tunay na pananampalataya, tunay na pagsunod, lubos na pagtalima, tunay na kaalaman, at taos-pusong paggalang.

Sa limang mga bagay na ito, kinakailangan ng Diyos sa mga tao na huwag na Siyang kwestyunin, huwag na rin Siyang sundin gamit ang kanilang kathang-isip o malabo at hindi malinaw na mga pananaw; hindi nila dapat sundin ang Diyos sa pamamagitan ng anumang mga kathang-isip o mga pagkaintindi. Kinakailangan ng Diyos na ang lahat ng sumusunod sa Kanya ay gawin iyon nang may katapatan, hindi nag-aalinlangan o pag-iwas. Kapag ang Diyos ay gumagawa ng anumang mga kinakailangan sa iyo, o sinusubukan ka, hinahatulan ka, nakikitungo at pupungusin ka, o dinidisiplina at sinasaktan ka, dapat kang lubos na maging masunurin sa Kanya. Hindi mo dapat itanong ang kadahilanan, o gumawa ng mga kondisyon, lalong hindi dapat magsalita ng katuwiran. Ang iyong pagsunod ay dapat maging lubos. Ang pagkilala sa Diyos ay ang bahagi kung saan ang mga tao ay nagkukulang nang husto. Madalas nilang igiit ang mga kasabihan ng Diyos, mga pagbigkas, at mga salitang walang kaugnayan sa Kanya, sa paniniwala na ang mga salitang ito ay ang mga pinakawastong kahulugan ng kaalaman sa Diyos. Hindi nila nalalaman na ang mga kasabihang ito, na galing sa mga kathang-isip ng mga tao, kanilang sariling pangangatwiran, at kanilang sariling talino, wala ni katiting na kaugnayan sa diwa ng Diyos. At kaya, nais Kong sabihin sa inyo na, sa kaalaman sa mga taong ninais ng Diyos, hindi lamang basta hinihiling ng Diyos na makilala mo ang Diyos at ang Kanyang mga salita, kundi na ang iyong kaalaman sa Diyos ay tama. Kahit makapagsabi ka lamang ng isang pangungusap, o may konting kamalayan lamang, ang maliit na kamalayang ito ay tama at totoo, at angkop sa diwa ng Diyos Mismo. Sapagkat kinamumuhian ng Diyos ang parangal at pagpupuri sa Kanya ng mga tao na hindi makatotohanan at hindi pinag-isipan. Higit pa roon, kinasusuklaman Niya ito kapag itinuturing Siya ng mga tao na kagaya ng hangin. Kinasusuklaman Niya ito kapag, sa panahon ng talakayan ng mga paksa tungkol sa Diyos, ang mga tao ay nagsasalita nang walang galang, nagsasalita na lamang basta at walang pag-aatubili, nagsasalita anumang oras gustuhin; mangyari pa, kinasusuklaman Niya yaong mga naniniwala na kilala nila ang Diyos, at mga hambog tungkol sa kaalaman sa Diyos, tinatalakay ang mga paksa tungkol sa Diyos nang walang pagtitimpi o pangingimi. Ang huli sa limang kahilingan na iyon ay taos-pusong paggalang. Ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Kapag taglay ng isang tao ang tama at tunay na kaalaman sa Diyos, nagagawa nilang totoong igalang ang Diyos at layuan ang kasamaan. Ang paggalang na ito ay nanggagaling sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at ito ay kusa, at hindi dahil pinilit sila ng Diyos. Hindi hiniling ng Diyos na gumawa ka ng isang handog ng anumang mabuting saloobin, o pag-uugali, o panlabas na saloobin sa Kanya; sa halip, Kanyang hinihiling na igalang Siya at katakutan Siya mula sa kaibuturan ng iyong puso. Ang paggalang na ito ay nakakamit bilang resulta ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay, sapagkat mayroon kang kaalaman sa Diyos, sapagkat mayroon kang pagkaunawa sa mga gawa ng Diyos, dahil sa iyong pagkaunawa sa diwa ng Diyos at sapagkat iyong nakilala ang katotohanan na isa ka sa mga nilikha ng Diyos. At kaya, ang Aking layunin sa paggamit ng salitang “taos-puso” upang ipakahulugan ang paggalang dito ay upang maintindihan ng sangkatauhan na ang paggalang sa Diyos ng mga tao ay dapat manggaling sa kaibuturan ng kanilang mga puso.

Ngayon isalang-alang yaong limang mga kinakailangan: Mayroon ba sa inyo ang may kakayahang makamit ang unang tatlo? Sa kung saan pinakahulugan Ko ang tunay na pananampalataya, tapat na pagsunod, at lubos na pagtalima. Mayroon ba sa inyo ang may kakayahan sa mga bagay na ito? Alam Ko na kapag sinabi kong lima, kung gayon walang kaduda-duda isa man sa inyo ay wala—ngunit ibinaba Ko ito sa tatlo. Pag-isipan ninyo kung nakamtan na ninyo ang mga ito o hindi. Ang “tunay na pananampalataya” ba ay madaling makamtan? (Hindi, ito ay hindi.) Hindi ito madali, para sa mga taong madalas kwestyunin ang Diyos. Ang “tapat na pagsunod” ba ay madaling makamit? (Hindi, ito ay hindi.) Ano ang tinutukoy nitong “tapat”? (Hindi nang pabantulot kundi nang buong puso.) Oo, hindi pabantulot, kundi nang buong puso. Nakuha ninyo nang tama! Kaya may kakayahan ba kayong makamit ang hinihiling nito? Kailangang magsikap pa kayo nang mabuti—sa kasalukuyan hindi pa ninyo nakamit ang hinihiling na ito! Tungkol naman sa “ganap na pagsunod”—nakamit na ba ninyo iyon? (Hindi.) Hindi pa rin ninyo nakakamit iyon. Palagi kayong suwail, at mapanghimagsik, madalas kayong hindi nakikinig, o nagnanais sumunod, o nais makarinig. Ito ang tatlo sa mga pinakapangunahing kinakailangan na nakakamit ng mga tao kasunod nang kanilang pagpasok sa buhay, at ang mga ito ay hindi pa nakakamit sa inyo. Kaya, sa kasalukuyan, mayroon ba kayong malaking kakayahan? Sa araw na ito, sa pagkarinig ninyong sinasabi ko ang mga salitang ito, nakadarama ba kayo ng pangamba? (Oo!) Tama lamang na makadama kayo ng pangamba—Nakadadama Ako ng pangamba para sa inyo! Hindi na Ako pupunta sa dalawang mga kinakailangan; walang duda, walang sinuman ang may kakayahan na makamit ang mga ito. Nangangamba kayo. Kaya napagpasiyahan na ba ninyo ang inyong mga layunin? Anong mga layunin, tungo sa anong direksyon, ang dapat ninyong tahakin, at paglaanan ng inyong mga pagsisikap? Mayroon ba kayong layunin? Hayaan ninyo Akong magsalita nang malinaw: Kapag nakamit na ninyo ang limang pangangailangan na ito, mapalulugod ninyo ang Diyos. Ang bawat isa sa kanila ay isang panukat, isang panukat sa pagpasok ng mga tao sa buhay sa pagkakaabot sa ganap na gulang, at ang pangwakas na layunin nito. Kahit pumili lang Ako ng isa sa mga kinakailangang ito upang talakayin nang buo at hilingin sa inyo, hindi ito magiging madaling makamit; dapat matiis ng mga tao ang isang antas ng paghihirap at maglaan ng naturang dami ng pagsisikap. At anong uri ng kaisipan ang dapat ninyong taglayin? Dapat itong kagaya ng isang pasyente na may kanser na naghihintay na isalang sa mesang pang-opera. At bakit Ko sinasabi ito? Kung nais mong maniwala sa Diyos, at nais makamit ang Diyos at makamit ang Kanyang kasiyahan, at sa gayon ay kung hindi ka magtitiis ng isang antas ng sakit o maglaan ng naturang dami ng pagsisikap, hindi mo makakamit ang mga bagay na ito. Nakapakinig kayo ng napakaraming pangangaral, ngunit sa pagkarinig nito hindi ito nangangahulugan na ang pangangaral ay sa inyo; kailangan mong namnamin ito at gawin itong isang bagay na pagmamay-ari mo, dapat mong maisangkap ito sa iyong buhay, at dalhin ito sa iyong pag-iral, hayaan ang mga salitang ito at pangangaral na patnubayan kung paano ka mamuhay, at magdala ng kabuluhan at kahulugan sa iyong buhay—at sa gayon magiging pakinabang ang marinig mo ang mga salitang ito. Kung ang mga salitang Aking sinabi ay hindi magdadala ng anumang pagbabago sa iyong buhay, o anumang kabuluhan sa iyong pag-iral, kung gayon walang saysay para sa iyo ang pakinggan ang mga ito. Naiintindihan ba ninyo ito, oo? Sa pagkaintinding gayon, kung gayon ang natitira ay kayo na ang bahala. Kailangan na ninyong gumawa! Dapat kayong maging masigasig sa lahat ng mga bagay! Huwag magpatumpik-tumpik—mabilis ang paglipad ng oras! Karamihan sa inyo ay nanampalataya na nang mahigit sampung taon. Lumingon kayo sa mahigit sampung taong ito ng pananampalataya: Gaano na karami ang inyong nakamit? At ilang dekada pa ang natitira sa inyo sa buhay na ito? Hindi ganoon kahaba iyon; anuman ang iyong gawin, huwag mong sasabihin na sa Kanyang gawain ay maghihintay ang Diyos para sa iyo, at nagtatabi ng mga pagkakataon para sa iyo. Ang Diyos ay tiyak na hindi babalik at gagawin ang kaparehong gawain. Maibabalik mo ba ang iyong huling sampung taon? Sa bawat araw na nagdaraan at sa bawat ginagawa mong paghakbang, ang mga araw na mayroon ka ay umiigsi ng isang araw, nababawasan ng isang araw, oo? Hindi maghihintay ang oras sa kaninumang tao! Magkakamit ka lamang mula sa pananampalataya sa Diyos kung ituturing mo ito na pinakadakilang bagay sa iyong buhay, mas mahalaga kaysa sa pagkain, kasuotan, o sa anupaman! Kung ikaw ay maniniwala lamang kapag may panahon ka, at walang kakayahan na gugulin mo ang iyong kabuuang pansin sa iyong pananampalataya, kung ikaw ay palaging nasasapatan, at nagpapatumpik-tumpik, kung gayon ay wala kang makakamit.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger