Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 187

Agosto 9, 2020

Paano Pinamamahalaan at Pinangangasiwaan ng Diyos ang Espirituwal na Mundo

Para sa materyal na mundo, kung hindi maintindihan ng mga tao ang ilang bagay o mga kakaibang pangyayari maaari silang magbukas ng aklat at maghanap ng kaugnay na impormasyon, o kung hindi man maaari silang gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang hanapin ang kanilang mga pinagmulan at ang kuwento sa likod ng mga ito. Ngunit pagdating sa isa pang mundo na ating pinag-uusapan sa araw na ito—ang espirituwal na mundo na umiiral sa labas ng materyal na mundo—ang mga tao ay tiyak na walang mga pamamaraan o mga daluyan ukol sa pagkatuto tungkol sa panloob na kuwento at katotohanan ukol rito. Bakit ko sinasabi ito? Sapagkat, sa mundo ng sangkatauhan, ang lahat ng mga bagay sa materyal na mundo ay hindi maihihiwalay mula sa pisikal na pag-iral ng tao, at dahil nararamdaman ng tao na ang lahat ng mga bagay sa materyal na mundo ay hindi maihihiwalay mula sa pamumuhay na pisikal at pisikal na buhay, ang nalalaman lamang ng karamihan sa mga tao, o nakikita, ang materyal na mga bagay na nakikita ng kanilang mga mata, ang mga bagay na nakikita lamang nila. Ngunit pagdating sa espirituwal na mundo—na ibig sabihin ay, ang lahat ng mga bagay na nasa isa pang mundo—ito ay makatarungang sabihin na hindi pinaniniwalaan ng karamihan sa mga tao. Iyon ay dahil ito ay hindi nila nakikita, at naniniwala sila na hindi na kailangang ito ay maintindihan, o malaman ang anuman tungkol dito, na walang masabi ukol sa kung paanong ang espirituwal na mundong ito ay lubos na kakaibang mundo sa materyal na mundo. Sa Diyos, ito ay lantad, ngunit sa sangkatauhan ito ay nakatago at hindi lantad, at kaya nahihirapan ang mga tao na maghanap ng isang daluyan kung saan sa pamamagitan nito ay maiintindihan ang iba’t ibang aspeto ng mundong ito. Ang mga bagay na Aking sasabihin tungkol sa espirituwal na mundo ay may kinalaman lamang sa pamamahala at kapangyarihan ng Diyos. Siyempre, nakaugnay din ang mga ito sa kalalabasan at hantungan ng tao—ngunit hindi Ako magbubunyag ng mga misteryo, ni magsasabi Ako ng anumang mga lihim na gusto ninyong malaman, sapagkat ito ay may kaugnayan sa kapangyarihan ng Diyos, pamamahala ng Diyos, at pagkakaloob ng Diyos, at sa gayon kinakailangan Ko lamang magsalita ukol sa bahagi na kailangan ninyong malaman.

Una, hayaan ninyong tanungin ko kayo: Sa inyong isipan, ano ang espirituwal na mundo? Sa malawak na pananalita, ito ay isang mundo sa labas ng materyal na mundo, yaong isa na hindi nakikita o nasasalat ng mga tao. Ngunit sa inyong imahinasyon, anong uri ng mundo dapat ang espirituwal na mundo? Marahil, bilang resulta ng hindi pagkakakita dito, wala kayong kakayahan na ipagpalagay kung ano ito. Ngunit kapag nakaririnig kayo ng mga alamat ukol dito, maiisip pa rin ninyo, hindi ninyo magagawang pigilan ang inyong mga sarili. At bakit Ko sinasabi ito? May isang bagay na nangyayari sa napakaraming tao nang sila ay mga bata: Kapag nagkukuwento ang isang tao ng nakatatakot na kuwento sa kanila—tungkol sa mga multo, mga kaluluwa—sobra ang kanilang pagkatakot. At bakit sila natatakot? Sapagkat inilalarawan nila sa kanilang mga isip ang gayong mga bagay; kahit na hindi nila nakikita ang mga ito, nararamdaman nila na ang lahat ng ito ay nasa loob ng kanilang silid, nakatago kung saan, o sa madilim na lugar, at sila ay takot na takot na hindi sila naglalakas-loob na matulog. Lalong lalo na sa gabi, hindi sila magkalakas-loob na mapag-isa sa silid, o mag-isa sa patyo. Iyan ang espirituwal na mundo ng inyong guni-guni, at ito ay mundo na iniisip ng mga tao na nakatatakot. Ang bawat isa ay may ilang guni-guni, at ang bawat isa ay nakararamdam ng isang bagay.

Magsimula tayo sa espirituwal na mundo. Ano ang espirituwal na mundo? Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng maigsi at payak na paliwanag. Ang espirituwal na mundo ay isang mahalagang lugar, isa na naiiba mula sa materyal na mundo. At bakit Ko sinasabi na ito ay mahalaga? Pag-uusapan natin ang tungkol dito nang detalyado. Ang pag-iral ng espirituwal na mundo ay mayroong hindi maihihiwalay na kaugnayan sa materyal na mundo ng sangkatauhan. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng tao sa kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay; ito ang kanyang papel, at ang isa sa mga dahilan kung bakit ang pag-iral nito ay mahalaga. Sapagkat ito ay isang lugar na hindi naaaninaw ng limang pandama, walang makahahatol nang wasto kung ito ay umiiral o hindi. Ang mga pangyayari sa espirituwal na mundo ay matalik na nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan, bilang resulta nito ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng sangkatauhan ay sobrang naimpluwensiyahan ng espirituwal na mundo. May kaugnayan ba ito sa kapangyarihan ng Diyos? Mayroon ito. Kapag sinasabi ko ito, naiintindihan ninyo kung bakit ko tinatalakay ang paksang ito: Sapagkat ito ay may kaugnayan sa kapangyarihan ng Diyos, at sa Kanyang pamamahala. Sa isang mundo na katulad nito—isang hindi nakikita ng mga tao—ito ang bawat kautusan ng langit, batas at sistema sa pamamahala nito ay higit na mas mataas kaysa sa mga kautusan at mga sistema ng alinmang bansa sa materyal na mundo, at walang nilalang na nabubuhay sa mundong ito na mangangahas na labagin o salungatin ang mga ito. Nauugnay ba ito sa kapangyarihan at pamamahala ng Diyos? Sa mundong ito, may mga malinaw na administratibong batas, malinaw na mga panlangit na kautusan, at malinaw na mga palatuntunan. Sa magkakaibang antas at sa magkakaibang lugar, ang mga tagapamahala ay mahigpit na namamalagi sa kanilang tungkulin at sumusunod sa mga patakaran at mga tuntunin, sapagkat alam nila kung ano ang magiging kalalabasan sa paglabag sa mga kautusan ng langit, nalalaman nila nang malinaw kung paano pinarurusahan ng Diyos ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti, at kung paano Niya pinangangasiwaan ang lahat ng mga bagay, kung paano Niya pinamamahalaan ang lahat ng mga bagay, at, mangyari pa, malinaw nilang nakikita kung paano pinatutupad ng Diyos ang Kanyang mga panlangit na kautusan at mga batas. Ang mga ito ba ay kaiba sa materyal na mundo na tinitirhan ng sangkatauhan? Malaki ang kanilang pinagkaiba. Ito ay isang mundo na lubos na naiiba sa materyal na mundo. Yamang mayroong mga panlangit na kautusan, at mga batas, may kinalaman ito sa kapangyarihan, pamamahala ng Diyos, at, mangyari pa, sa disposisyon ng Diyos at sa kung anong mayroon at kung ano Siya. Sa pagkarinig nito, hindi ba ninyo nararamdaman na kailangan na talaga para sa Akin na magsalita ukol sa paksang ito? Ayaw ba ninyong malaman ang nakapaloob na mga lihim? Ang gayon ay ang pananaw sa espirituwal na mundo. Bagamat ito ay kasabay na umiiral ng materyal na mundo, at sabay na napaiilalim sa pamamahala at kapangyarihan ng Diyos, ang pamamahala at kapangyarihan ng Diyos sa mundong ito ay higit na mas mahigpit kaysa doon sa materyal na mundo.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger