Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 166

Hulyo 25, 2020

Naiintindihan ba ninyo ang pangunahing punto tungkol sa pag-alam sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Ukol rito, ang tao ay maaaring mayroong maraming mga salita mula sa karanasan, ngunit kakaunti lamang ang mga pangunahing punto na aking sasabihin sa inyo. Upang maunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kailangang maunawaan muna ng isang tao ang mga damdamin ng Diyos: ano ang Kanyang kinamumuhian, ano ang Kanyang kinasusuklaman, ano ang Kanyang iniibig, sino ang Kanyang tinutulutan, kanino Siya mahabagin, at anong uri ng tao ang nakatatanggap ng habag na iyon. Ito ay isang mahalagang punto na dapat malaman. Dagdag pa, dapat malaman ng tao na gaano man ang pagiging mapagmahal ng Diyos, gaano man karami ang habag at pagmamahal mayroon Siya para sa mga tao, hindi tinutulutan ng Diyos ang sinuman na saktan ang Kanyang katayuan at kalagayan, ni hindi tutulutan ang sinuman na saktan ang Kanyang dignidad. Kahit na iniibig ng Diyos ang mga tao, hindi Niya sila kinukunsinti. Ibinibigay Niya sa mga tao ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang habag, at Kanyang pagpapaubaya, ngunit hindi Siya kailanman nagsulsol sa kanila; Mayroon Siyang Kanyang mga prisipyo at Kanyang mga hangganan. Gaano man kalawak ang naramdaman mong pagmamahal sa iyo ng Diyos, gaano man kalalim ang pagmamahal na iyon, hindi mo dapat tratuhin ang Diyos sa paraang tatratuhin mo ang isa pang tao. Bagamat totoo na itinuturing ng Diyos ang mga tao na malapit sa Kanya, kung tinatanaw ng isang tao ang Diyos bilang isang tao, na parang Siya ay isa lamang katauhan sa paglikha, gaya ng isang kaibigan o isang bagay ng pagsamba, itatago ng Diyos ang Kanyang mukha sa kanila at pababayaan sila. Ito ang Kanyang disposisyon, at hindi Niya tinutulutan ang sinuman na tatratuhin Siya nang basta-basta lang sa isyung ito. Kaya ito ang palaging sinasabi ng disposisyon ng Diyos sa Kanyang Salita: Hindi alintana gaano man karami ang mga daan na iyong nilakbay, gaano man karami ang gawain na iyong ginawa o gaano man karami ang iyong tiniis para sa Diyos, sa sandaling magkasala sa disposisyon ng Diyos, gagantihan Niya ang bawat isa sa inyo batay sa inyong ginawa. Nakita ninyo ito? (Oo, nakita namin.) Nakita mo ito, tama? Ibig sabihin nito ay maaaring ituring ng Diyos ang mga tao bilang malapit sa Kanya, ngunit hindi dapat ituring ng mga tao ang Diyos bilang isang kaibigan o isang kaanak. Huwag mong ibilang ang Diyos bilang kaibigan. Gaano man karami ang pagmamahal na natanggap mo mula sa Kanya, gaaano man karami ang pagpapaubaya ang ibinigay Niya sa iyo, hindi mo dapat kailanman ituring ang Diyos bilang isang kaibigan lamang. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Naiintindihan ninyo, tama? (Oo.) Kailangan Ko pa bang magsalita tungkol rito? Wala ka bang naunang pagkaunawa sa bagay na ito? Sa karaniwan pananalita, ito ang pinakamadaling pagkakamali ng mga tao hindi alintana kung naiintindihan nila ang mga doktrina, o kung wala silang naisip tungkol rito noong una. Kapag nagkasala ang mga tao sa Diyos, maaaring ito ay hindi lamang dahil sa isang pangyayari, o isang bagay na kanilang sinabi, ngunit sa halip sanhi ng saloobin na kanilang pinanghahawakan at isang katayuan na kinapapalooban. Ito ay isang bagay na totoong nakatatakot. Naniniwala ang ilang tao na mayroon silang pagkaunawa sa Diyos, na kilala nila Siya, maaaring makagawa pa sila ng ilang bagay na makasisiya sa Diyos. Nagsisimula na nilang madama na sila ay kapantay ng Diyos at buong pagmamagaling na sila’y naging mga kaibigan ng Diyos. Ang mga ganitong uri ng damdamin ay masyadong mali. Kung wala kang malalim na pagkaunawa ukol dito, kung hindi mo malinaw na nauunawaan ito, napakadali kung gayon na magkasala sa Diyos at magkasala sa Kanyang matuwid na disposisyon. Naiintindihan niyo na ito ngayon, tama? (Oo.) Hindi ba natatangi ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Ito ba ay kapantay ng katauhan ng sangkatauhan? Ito ba ay kapantay ng pansariling mga katangian ng tao? Hindi kailanman, tama? (Oo.) Kaya, hindi mo dapat malimutan na paano man tratuhin ng Diyos ang mga tao, anuman ang pagtingin Niya sa mga tao, ang kalagayan, awtoridad, at katayuan ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Para sa sangkatauhan, ang Diyos ay palagi ang Panginoon ng lahat at ang Maylalang!

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII

Tingnan ang iba pa

Leave a Reply

I-share

Kanselahin