Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Pagkilala sa Diyos | Sipi 141

Hulyo 16, 2020

Nilikha ng Diyos ang tao at mula noon ay palaging ginagabayan ang buhay ng sangkatauhan. Sa pagkakaloob man sa sangkatauhan ng mga pagpapala, pagbibigay ng mga batas at kautusan para sa mga tao, o pagtatakda ng iba’t ibang mga patakaran sa buhay, alam ba ninyo ang layunin ng Diyos sa pagsasagawa ng mga bagay na ito? Una, masasabi ba ninyo nang may katiyakan na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay para sa kabutihan ng sangkatauhan? Maaaring ang mga ito ay tila maringal at walang lamang mga salita, subalit kung susuriin ang mga detalye nito, hindi ba’t ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay upang pangunahan at gabayan ang tao sa pagsasabuhay ng isang normal na buhay? Sa pagtulot man ito sa tao na sundin ang Kanyang mga alituntunin o tumalima sa Kanyang mga kautusan, ang layunin ng Diyos ay upang hindi sumamba ang tao kay Satanas at upang hindi sila mapinsala ni Satanas; ito ang pinakapangunahin, at ito ang ginagawa mula pa sa pinakasimula. Noong pinakasimula, nang hindi naintindihan ng tao ang kalooban ng Diyos, gumawa ang Diyos ng ilang simpleng kautusan at alintuntunin at gumawa ng mga panukala na sumaklaw sa lahat ng maaaring gawan ng panukala. Ang mga panukalang ito ay payak, ngunit sa loob ng mga ito ay naroon ang kalooban ng Diyos. Pinakaiingat-ingatan, pinahahalagahan at pinakaiibig ng Diyos ang sangkatauhan. Tama ba ito? (Oo.) Kaya masasabi ba natin na ang Kanyang puso ay banal? Masasabi ba natin na ang Kanyang puso ay malinis? (Oo.) Mayroon bang karagdagang layunin ang Diyos? (Wala.) Kung gayon, ang Kanya bang layunin ay tama at positibo? (Oo.) Sa gawain ng Diyos, ang lahat ng panukala na Kanyang ginawa ay may positibong epekto para sa tao at nagtuturo sa mga tao ng daan. Kaya may anumang makasariling saloobin ba sa isipan ng Diyos? Mayroon bang anumang karagdagang mga layunin ang Diyos patungkol sa tao? Nais ba Niyang gamitin ang tao sa ibang paraan? (Hindi.) Hindi kailanman. Ginagawa ng Diyos kung ano ang sinasabi Niya, at ang Kanyang mga sinasabi at ginagawa ay tugma sa Kanyang mga iniisip sa Kanyang puso. Walang hindi dalisay na layunin, walang makasariling mga saloobin. Wala Siyang anumang ginagawa para sa Kanya Mismo; ang lahat ng ginagawa Niya ay ginagawa Niya para sa tao, nang walang anumang pansariling layunin. Bagaman may mga plano at mga intensyon Siya para sa tao, wala sa mga ito ang para sa Kanya Mismo. Lahat ng ginagawa Niya ay ginagawa para lamang sa sangkatauhan, upang ingatan ang sangkatauhan, upang mapanatiling hindi naliligaw ang sangkatauhan. Kaya hindi ba natatangi ang Kanyang puso? Makakakita ka ba ng kahit na pinakamaliit na bakas ng natatanging pusong ito kay Satanas? Wala kang makikita ni katiting na bakas nito kay Satanas. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay kusang nahahayag. Tingnan natin ngayon kung paano gumawa ang Diyos; paano Niya isinasakatuparan ang Kanyang gawain? Kinukuha ba ng Diyos ang mga batas na ito at ang Kanyang mga salita at mahigpit na itinatali ang mga ito sa mga ulo ng bawat tao, na parang orasyon sa paghihigpit ng benda, upang igiit ang mga ito sa bawat tao? Ganito ba ang paraan ng Kanyang paggawa? (Hindi.) Kaya sa anong paraan ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain? (Ginagabayan Niya tayo. Pinapayuhan at hinihikayat Niya tayo.) Siya ba ay nananakot? Paliguy-ligoy ba Siyang mangusap sa inyo? (Hindi.) Kapag hindi mo nauunawaan ang katotohanan, paano ka ginagabayan ng Diyos? (Nagbibigay Siya ng liwanag.) Nagbibigay Siya ng liwanag sa iyo, malinaw na sinasabi sa iyo na ito ay hindi naaayon sa katotohanan, at pagkatapos ay sinasabi Niya sa iyo kung ano ang dapat mong gawin. Mula sa mga paraang ito ng paggawa ng Diyos, anong uri ng kaugnayan ang nararamdaman mong mayroon ka sa Diyos? Nararamdaman mo bang ang Diyos ay hindi mo maabot? (Hindi.) Ano ang nararamdaman mo kapag nakikita mo ang mga paraang ito ng paggawa ng Diyos? Ang Diyos ay napakalapit sa iyo, walang distansya sa pagitan mo at ng Diyos. Kapag ginagabayan ka ng Diyos, kapag Siya ay nagtutustos sa iyo, tumutulong sa iyo at sumusuporta sa iyo, nararamdaman mo kung gaano kagiliw-giliw ang Diyos, ang pagpipitagan na nahihikayat Niya; nararamdaman mo kung gaano Siya kaibig-ibig, nararamdaman mo ang Kanyang kasiglahan. Subalit kapag pinupuna ng Diyos ang iyong katiwalian, o kapag hinahatulan at dinidisiplina ka Niya dahil sa paghihimagsik mo sa Kanya, anong paraan ang ginagamit Niya? Sinasaway ka ba Niya sa pamamagitan ng mga salita? Dinidisiplina ka ba Niya sa pamamagitan ng iyong kapaligiran at sa pamamagitan ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay? (Oo.) Hanggang sa anong antas ang pagdisiplina ng Diyos sa iyo? Dinidisiplina ba ng Diyos ang tao hanggang sa parehong antas na pinipinsala ni Satanas ang tao? (Hindi, dinidisiplina lamang ng Diyos ang tao hanggang sa antas na kayang tiisin ng tao.) Ang Diyos ay gumagawa sa isang banayad, maingat, mapagmahal, at maalagang paraan, isang higit sa karaniwang paraan na kalkulado at wasto. Ang Kanyang paraan ay hindi nagdudulot sa iyo ng matinding mga emosyon tulad ng, “Dapat na pumayag ang Diyos na gawin ko ito” o “Dapat na pumayag ang Diyos na gawin ko iyon.” Ang Diyos ay hindi kailanman magbibigay sa iyo ng ganoong uri ng matinding isipin o damdamin na magsasanhi na hindi mo makayanan ang mga bagay-bagay. Hindi ba tama iyon? Tanggapin mo man ang mga salita ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, ano ang iyong nararamdaman pagkatapos? Kapag nararamdaman mo ang awtoridad at kapangyarihan ng Diyos, ano ang nararamdaman mo pagkatapos? Nararamdaman mo ba na ang Diyos ay banal at hindi maaaring labagin? (Oo.) Nararamdaman mo ba ang distansiya sa pagitan mo at ng Diyos sa ganitong mga pagkakataon? Nakakaramdam ka ba ng takot sa Diyos? Hindi, sa halip ay nararamdaman mo ang may-takot na pagpipitagan sa Diyos. Hindi ba nararamdaman ng mga tao ang lahat ng ito dahil sa gawain ng Diyos? Magkakaroon ba sila ng ganitong mga damdamin kung si Satanas ang gumawa sa tao? (Hindi.) Ginagamit ng Diyos ang Kanyang mga salita, ang Kanyang katotohanan at ang Kanyang buhay upang tuluy-tuloy na magtustos sa tao, upang suportahan ang tao. Kapag ang tao ay mahina, kapag ang tao ay nanlulumo, tiyak na hindi malupit na mangungusap ang Diyos, na nagsasabing: “Huwag manlumo. Bakit ka nanlulumo? Bakit ka nanghihina? Mayroon bang dahilan para manghina? Napakahina mo palagi, at napakanegatibo mo palagi! Wala bang dahilan para mabuhay? Mamatay ka na lang at tapusin ang lahat!” Sa ganitong paraan ba gumagawa ang Diyos? (Hindi.) Ang Diyos ba ay may awtoridad na kumilos sa ganitong paraan? (Oo.) Subalit hindi kumikilos ang Diyos sa ganitong paraan. Ang dahilan kung bakit hindi kumikilos ang Diyos sa ganitong paraan ay dahil sa Kanyang diwa, ang diwa ng kabanalan ng Diyos. Ang Kanyang pagmamahal sa tao, ang pagpapahalaga at pagtatangi Niya sa tao ay hindi maaaring ipahayag nang malinaw sa isa o dalawang pangungusap lamang. Hindi ito isang bagay na idinulot ng pagyayabang ng tao kundi isang bagay na pinasisibol ng Diyos sa totoong pagsasagawa; ito ang pagbubunyag ng diwa ng Diyos. Ang lahat ba ng paraang ito ng paggawa ng Diyos ay makakapagtulot sa tao na makita ang kabanalan ng Diyos? Sa lahat ng paraang ito ng paggawa ng Diyos, kasama na ang mabubuting intensyon ng Diyos, kabilang ang mga epekto na nais ng Diyos na gumawa sa tao, kasama ang iba’t ibang mga paraan na sinusundan ng Diyos upang gumawa sa tao, ang uri ng gawain na ginagawa Niya, ang nais Niya na maunawaan ng tao—nakakita ka ba ng anumang kasamaan o pagkatuso sa mabuting mga intensyon ng Diyos? (Hindi.) Kaya sa lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos, sa lahat ng bagay na sinasabi ng Diyos, sa lahat ng bagay na iniisip Niya sa Kanyang puso, gayundin sa lahat ng diwa ng Diyos na inihahayag Niya—matatawag ba nating banal ang Diyos? (Oo.) Nakita na ba ng tao ang kabanalang ito sa mundo, o sa sarili niya? Maliban sa Diyos, nakita mo na ba ito sa sinumang tao o kay Satanas? (Hindi.) Mula sa mga tinalakay natin, matatawag ba nating natatangi ang Diyos, ang mismong banal na Diyos? (Oo.) Ang lahat ng ibinibigay ng Diyos sa tao, kasama ang mga salita ng Diyos, ang iba’t ibang paraan kung saan ang Diyos ay gumagawa sa tao, ang sinasabi ng Diyos sa tao, ang ipinapaalaala ng Diyos sa tao, ang Kanyang ipinapayo at hinihikayat na gawin—nagmumula ang lahat ng ito sa isang diwa: ang kabanalan ng Diyos. Kung walang ganoong banal na Diyos, walang taong makakahalili sa Kanya upang gawin ang mga ginagawa Niya. Kung lubusang ibinigay ng Diyos ang mga taong ito kay Satanas, napag-isipan na ba ninyo kung ano ang magiging uri ng kalagayan ninyong lahat sa kasalukuyan? Kayo bang lahat ay makauupo rito na buo at hindi napipinsala? Sasabihin din ba ninyo: “Sa pagpaparoo’t parito sa lupa, at sa pagmamanhik manaog doon”? Magiging pangahas ba kayo, magiging masyadong bastos at magyayabang nang walang kahihiyan sa harap ng Diyos? (Oo.) Tiyak na gagawin ninyo ito nang walang pag-aalinlangan! Ang saloobin ni Satanas sa tao ay nagtutulot sa tao na makita na ang kalikasang diwa ni Satanas ay lubos na iba sa Diyos. Ano ang nasa diwa ni Satanas na kabaligtaran ng kabanalan ng Diyos? (Ang kasamaan ni Satanas.) Ang masamang kalikasan ni Satanas ay ang kabaligtaran ng kabanalan ng Diyos. Ang dahilan kung bakit hindi nakikilala ng karamihan sa mga tao ang pagpapahayag na ito ng Diyos at ang diwa ng kabanalan ng Diyos na ito ay dahil sa sila ay nabubuhay sa ilalim ni Satanas, sa loob ng katiwalian ni Satanas at sa loob ng buhay na kulungan ni Satanas. Hindi nila alam kung ano ang kabanalan o kung paano bigyang-kahulugan ang kabanalan. Nauunawaan mo man ang kabanalan ng Diyos, hindi mo pa rin ito mabibigyan ng kahulugan bilang kabanalan ng Diyos nang may anumang katiyakan. Isang malaking pagkakaiba ito na napapaloob sa kaalaman ng tao ukol sa kabanalan ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger