Christian Song | "Nawa ay Mabatid Nating Lahat ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos" | 2026 Mga Tinig ng Papuri

Enero 16, 2026

I

Nawa ay bigyang-liwanag tayo ng Diyos, upang magawa nating lahat na mabatid ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, mahalin ang ating Diyos sa kaibuturan ng ating puso, at ipahayag ang pagmamahal na taglay nating lahat para sa Diyos sa magkakaiba nating posisyon; nawa ay pagkalooban tayo ng Diyos ng di-natitinag na puso ng sinserong pagmamahal para sa Kanya—ito ang inaasam ng Diyos. Tayo na isinilang sa maruming lupaing ito ay labis na nagdusa sa pang-uusig ng malaking pulang dragon, at dahil dito ay nagkaroon tayo ng pagkamuhi rito. Hinahadlangan nito ang ating mapagmahal-sa-Diyos na puso at inaakit ang ating kasakiman para sa ating panghinaharap na mga kinabukasan. Tinutukso tayo nito na maging negatibo, na lumaban sa Diyos. Ang malaking pulang dragon ang matagal nang nanlilihis sa atin, gumagawang-tiwali sa atin, at sumisira sa atin hanggang ngayon, hanggang sa punto na hindi na natin magawang suklian ng ating puso ang pagmamahal ng Diyos, at bagama't gusto nating mahalin ang Diyos sa ating puso, hindi natin kontrolado ang sarili nating mga kilos at wala tayong lakas kahit kaunti.

II

Tayo na isinilang sa maruming lupaing ito ay labis na nagdusa sa pang-uusig ng malaking pulang dragon. Lahat tayo ay mga biktima nito. Dahil dito, kinamumuhian natin ito nang sagad hanggang buto, at magagawa lang nating maghintay na wasakin ito ng Diyos. Dapat nating ituon ang ating puso sa pagsunod sa kalooban ng Diyos—ang mahalin Siya. Ito ang landas na dapat nating tahakin. Ganito natin dapat gugulin ang ating buhay. Dapat nating gawing ating layunin ang pagsunod sa kalooban ng Diyos, at mamuhay tayo ng isang maningning at makinang na buhay na may kabuluhan. Sa ganoong paraan, mamamatay tayo nang walang pagsisisi—sa paggawa lang nito masisiyahan ang ating puso. Nawa ay bigyang-liwanag tayo ng Diyos, upang magawa nating lahat na mabatid ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, mahalin ang ating Diyos sa kaibuturan ng ating puso, at ipahayag ang pagmamahal na taglay nating lahat para sa Diyos sa magkakaiba nating posisyon; nawa ay pagkalooban tayo ng Diyos ng di-natitinag na puso ng sinserong pagmamahal para sa Kanya.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … (2)

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin