Tagalog Christian Song | "Ang Pagkastigo at Paghatol ng Diyos ang Liwanag ng Kaligtasan ng Tao"

Marso 9, 2026

I

Ang tao ay nabubuhay sa gitna ng laman, na nangangahulugang nabubuhay siya sa impiyerno sa lupa, at kung wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang tao ay kasingdumi ni Satanas. Ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang pinakamainam na proteksiyon at pinakadakilang biyaya sa tao. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol ng Diyos magigising ang tao at kamumuhian ang laman, kamumuhian si Satanas. Ang mahigpit na pagdisiplina ng Diyos ay nagpapalaya sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas, nagpapalaya sa kanya mula sa kanyang sariling maliit na mundo, at nagtutulot sa kanyang mamuhay sa liwanag ng mukha ng Diyos. Wala nang higit na mabuting pagliligtas kaysa sa pagkastigo at paghatol!

II

Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na madalisay at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha, kung gayon ay dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at paghampas ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang mapalaya niya ang kanyang sarili mula sa pagmamanipula at impluwensiya ni Satanas, at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Kilalanin mo na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala para sa tao, at walang mas dakilang biyaya o mas mahusay na proteksiyon.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin