Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paghatol sa mga Huling Araw | Sipi 93

Agosto 9, 2020

Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o pumasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamatuwid, at tanging ang Kanyang gawaing pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga suwail na mga bagay sa gitna ng sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na saklaw ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, ay hindi na papayagang manatiling buháy sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng pagpaparusa at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. Sila ay minsan nang tinubos, at sila rin ay hinatulan at kinastigo; sila ay minsan ding naglingkod sa Diyos, ngunit pagdating ng huling araw, sila pa rin ay aalisin at wawasakin dahil sa kanilang sariling kasamaan at dahil sa kanilang sariling pagsuway at pagka-di-matutubos. Sila ay hindi na iiral sa mundo ng hinaharap, at sila ay hindi na iiral sa gitna ng mga lahi ng tao sa hinaharap. Sinuman at lahat ng mga gumagawa ng kasamaan at sinuman at lahat na hindi nailigtas ay wawasakin kapag ang banal sa gitna ng sangkatauhan ay pumasok sa kapahingahan; hindi alintana kung ang mga ito ay mga espiritu ng patay o ang mga nabubuhay pa rin sa laman. Hindi alintana kung sa anong panahon kabilang ang mga espiritung gumagawa ng masama at mga taong gumagawa ng masama, o mga espiritu ng mga taong matuwid at mga taong gumagawa ng pagkamatuwid, sinumang gumagawa ng kasamaan ay lilipulin, at ang sinumang tao na matuwid ay mabubuhay. Maging ang isang tao o espiritu na tumatanggap ng kaligtasan ay hindi ganap na pinagpasyahan batay sa gawain ng huling panahon, ngunit sa halip ay natukoy batay sa kung sila ay nakipaglaban o naging suwail sa Diyos. Kung ang mga tao sa nakaraang panahon ay gumawa ng masama at hindi maaaring mailigtas, ang mga ito ay walang alinlangan na puntirya para sa kaparusahan. Kung ang mga tao sa panahon na ito ay gumawa ng kasamaan at hindi maaaring mailigtas, sila rin ay tiyak na mga puntirya para sa kaparusahan. Ang mga tao ay pinaghihiwalay batay sa mabuti at masama, hindi batay sa panahon. Minsang ihiwalay batay sa mabuti at masama, ang mga tao ay hindi agad parurusahan o gagantimpalaan; sa halip, isasagawa lamang ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti matapos Niyang isagawa ang Kanyang gawaing panlulupig sa mga huling araw. Sa totoo lang, nagagamit Niya ang mabuti at masama upang paghiwalayin ang sangkatauhan mula pa noong nagsimula Siyang gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Gagantimpalaan lang Niya ang matuwid at parusahan ang masama sa sandaling maging ganap ang Kanyang gawain, sa halip na paghiwalayin ang masasama at matuwid sa sandaling magawang ganap ang Kanyang gawain sa katapusan at pagkatapos ay agad na itatakda ang Kanyang gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti. Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala sa mabuti ay ganap na matatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinaka-maselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting kaharian. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos na Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamumuhay ang Diyos sa kapahingahan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin