Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paghatol sa mga Huling Araw | Sipi 86

Hunyo 19, 2020

Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung wala ang Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi malalaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nagpapahintulot ng kasalanan, at hindi maaaring ilipat ang kanyang mga lumang kaalaman ng Diyos patungo sa panibago. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, isinasa-publiko Niya ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay daan sa tao na makamit ang kaalaman ng Diyos, at baguhin ang kanyang disposisyon, at gumawa ng umuugong na patotoo sa Diyos sa pamamagitan ng pampublikong pagpapakita ng Diyos. Nakakamit ang pagbabago sa disposisyon ng tao sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang nasabing pagbabago sa disposisyon ng tao, hindi magagawang magbigay ng patotoo ng tao sa Diyos, at hindi maaaring makuha ang puso ng Diyos. Ang mga pagbabago sa katangian ng tao ay tanda na pinalaya ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas, pinalaya ang kanyang sarili mula sa impluwensya ng kadiliman, tunay na naging isang modelo at halimbawa ng gawain ng Diyos, at tunay na naging isang saksi ng Diyos at isang tao na nagnanais ng puso ng Diyos. Ngayon, dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawa sa lupa, at Kanyang hinihingi sa tao na makamit ang kaalaman tungkol sa Kanya, pagsunod sa Kanya, patotoo sa Kanya—malaman ang Kanyang praktikal at normal na gawain, sundin ang lahat ng Kanyang mga salita at gawa na hindi ayon sa mga pagkaintindi ng tao, at magpatotoo sa lahat ng gawain ng pagliligtas Niya sa tao, at ang lahat ng mga gawa Niya na lupigin ang tao. Yaong mga nagpapatotoo sa Diyos ay dapat magkaroon ng kaalaman sa Diyos; ang ganitong uri lamang ng patotoo ang tiyak, at totoo, at ang ganitong uri lamang ng patotoo ang maaaring magbibigay kahihiyan kay Satanas. Ginagamit ng Diyos ang mga taong nakakilala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasailalim sa Kanyang paghatol at pagkastigo, pakikitungo at pagpupungos, upang magbigay ng patotoo sa Kanya. Ginagamit Niya yaong mga ginawang tiwali ni Satanas upang magpatotoo sa Kanya, at gayon din ay ginagamit Niya yaong ang mga disposisyon ay nagbago, at kung sino ang nagkamit ng Kanyang mga pagpapala, upang magbigay ng pagpapatotoo sa Kanya. Hindi niya kailangan ng tao na sambahin lamang Siya sa salita, at hindi rin Niya kailangan ang papuri at patotoo ng kauri ni Satanas, na hindi pa Niya naligtas. Tanging yaong mga nakakakilala sa Diyos ang karapat-dapat na magbigay ng pagpapatotoo sa Diyos, at yaon lamang na ang disposisyon ay nagbago ang karapat-dapat na magbigay ng pagpapatotoo sa Diyos, at hindi papayagan ng Diyos ang tao na sadyang magdala ng kahihiyan sa Kanyang pangalan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin