Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Ang Pagsunod Ba sa mga Lider ng Relihiyon ay Pagsunod sa Diyos?
Pebrero 23, 2022
Dalawang libong taon na ang nakararaan, ang ating Tagapagligtas na Panginoong Jesus ay pumarito para gawin ang gawain ng pagtubos. Dahil karamihan ng mga naniniwala sa Judaismo ay sinasamba ang kanilang mga lider ng relihiyon at mga Fariseo, nakiayon sila sa mga anticristo na 'yon sa pagkondena at pagtanggi sa Panginoong Jesus, at sa huli'y may kinalaman sa pagpapapako sa Kanya. Dahil dito nakamit nila ang pagsumpa at pagparusa ng Diyos, hinahatulan ang bayan ng Israel sa loob ng dalawang libong taon. Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa mga huling araw bilang ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao, nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol para ganap na linisin at iligtas ang sangkatauhan. Hinaharap din niya ang hibang na pagkondena at paglaban ng mga lider ng relihiyon. Dahil marami sa mundo ng relihiyon sa kasalukuyan ang pikit-matang sinasamba ang kanilang kaparian, naniniwala silang ang kanilang mga lider sa relihiyon ay itinalaga ng Diyos, na ang pagsunod sa kanila ay pagsunod sa Diyos. Bilang resulta, takot silang siyasatin at tanggapin ito kahit na malinaw nilang nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, na makapangyarihan ang mga ito, maawtoridad at nagmula sa Diyos. Sa halip, nakikiayon sila sa pagtanggi at pagkondena sa Panginoong Jesus na nagbalik, nawawalan ng kanilang pagkakataong salubungin ang Panginoon at nasasadlak sa mga sakuna. Talagang kahiya-hiya ito! Kung gayon, talaga bang itinalaga ng Diyos ang mga lider ng relihiyon? Ang pagpapasakop ba sa kanila ay katulad ng pagsunod sa Diyos? Gagabayan kayo ng episode na ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya na hanapin ang katotohanan at matagpuan ang kasagutan.
Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Iba pang mga Uri ng Video