Tagalog Christian Movie | Tunay Bang Pagsunod sa Diyos ang Pagtatrabaho nang Husto, Pagsuko sa mga Bagay at Paggastos sa Diyos? (Tampok na Extract)

Nobyembre 21, 2019

Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Ang pangunahing tauhan, si Song Enze, ay naniniwala na ang pagsuko sa mga bagay, paggastos niya sa Diyos, at pagtatrabaho nang husto para sa Panginoon ay pagsunod sa Diyos at paggawa sa Kanyang kalooban; iniisip niya na sa pamamagitan ng paghahanap sa ganitong paraan, tiyak na matatanggap niya ang pagsang-ayon ng Diyos at makapapasok sa kaharian ng langit. Gayunman, nagpahayag ng pagdududa ang mga kapatid niya tungkol dito—paano kung sa tingin ay ginugugol ng isang tao ang kanyang sarili ngunit ang balak pala nito ay makapasok sa kaharian at mapagpala? Hindi ba’t pakikipagtransaksyon iyon sa Diyos? Kung may nagbayad ngunit nababahiran iyon ng mga motibong ito, pagsunod ba iyon sa Diyos? Mahahanap mo ang sagot sa napakagandang sipi na ito mula sa pelukulang Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin