Tagalog Testimony Videos, Ep. 813: Alam Ko na Ngayon Kung Paano Tratuhin ang Pag-aasawa
Enero 27, 2026
Tinanggap niya ang gawain ng Diyos sa mga huling araw noong 18 taong gulang siya. Palagi niyang aktibong ginagawa ang kanyang tungkulin malayo sa bahay, at lihim siyang nagpasyang ilaan ang kanyang buhay sa paggugol ng kanyang sarili para sa Diyos. Lumipas ang panahon, at naging tatlumpung taong gulang na siya. Hinikayat siya ng kanyang mga magulang na mag-asawa at magkaanak, samantalang pinupuna siya ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan at pinagtsitsismisan siya nang patalikod dahil binata pa rin siya. Sa harap ng pagpiling ito, naipit siya sa isang mahirap na kalagayan. Sa gitna ng paghihirap, binasa niya ang mga salita ng Diyos para hanapin ang katotohanan at natagpuan ang tamang landas kung paano tratuhin ang pag-aasawa. Naunawaan din niya ang halaga at kabuluhan ng buhay, at nagkamit ng paglaya ang kanyang espiritu.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video