Mga Serye ng Sermon: Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya | Paano Dinadalisay at Inililigtas ang Sangkatauhan ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw?

Enero 3, 2022

Natanto ng mga tao na narito na sa atin ang malalaking sakuna at ang mga umaasang paparito ang Panginoon na sakay ng isang ulap ay buong pananabik na naghihintay. Matapos ang maraming taon ng paghihintay, hindi pa nila Siya nakikitang pumarito. Sa halip, nakikita nila ang Kidlat ng Silanganan na nagpapatotoo sa gawain ng paghatol sa mga huling araw ng Makapangyarihang Diyos. Isang malaking kabiguan ito para sa kanila. Maraming tao ang kumakapit sa kanilang mga haka-haka at imahinasyon, ayaw nilang hanapin at siyasatin ang tunay na daan, kaya hindi pa rin nila nasasalubong ang Panginoon, at sa halip ay nasadlak sila sa mga sakuna. Subalit marami ang nagmamahal sa katotohanan at nang mabasa nila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakita nila ang kapangyarihan at awtoridad ng mga ito, nakita nila na ang lahat ng ito'y katotohanan. Nakilala nila ang tinig ng Diyos at hindi na sila napigilan ng kanilang mga haka-haka, kundi nagpatuloy sila sa paghahanap at pagsisiyasat sa tunay na daan. Ang mga unang tanong nila ay kung bakit kailangan pa ring gumawa ng Diyos ng gawain ng paghatol kung napatawad na ang mga kasalanan nila at itinuring na silang matuwid ng Diyos, at kung paano dinadalisay at inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng gawaing iyon sa mga huling araw. Ang dalawang ito ang pinakamahalaga at pinakanakalilitong tanong para sa lahat ng nagsisiyasat sa tunay na daan. Ang episode na ito ng Paghahanap ng Tunay na Pananampalataya ay gagabay sa inyo na hanapin ang katotohanan at makita ang sagot.

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin