Christian Dance | "Ang Matatapat na Tao ay Namumuhay sa Liwanag" | Praise Song

Nobyembre 17, 2024

I

Para hangarin ang katotohanan, dapat tayong maging matatapat na tao,

maglakas-loob na ilantad ang sarili natin at himayin ang ating katiwalian.

Anuman ang iniisip ng iba sa atin,

dapat magkaroon tayo ng isang pusong namumuhay sa harap ng Diyos.

Hinahanap natin ang katotohanan sa lahat ng bagay,

at sa pagkakaunawa sa katotohanan ay nakararamdam tayo ng pagiging malaya.

Iyong mga nagmamahal sa katotohanan at may simpleng puso

ay tumatanggap ng mga pagpapala ng Diyos,

subalit iyong mga palaging nagbabalat-kayo ay pinipinsala lang ang sarili nila.

Tinatanong mo ako kung bakit pinipili kong mamuhay

bilang isang matapat na tao.

Ang matatapat na tao ay nagkakamit ng kagalakan ng Diyos,

at maaaring maligtas at mamuhay sa liwanag.

II

Para matupad ang tungkulin natin nang maayos, dapat tayong maging matatapat na tao,

maging mapagsaalang-alang sa puso ng Diyos sa lahat ng bagay,

at kumilos nang may prinsipyo.

Dapat nating isagawa ang katotohanang nauunawaan natin,

tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa lahat ng bagay,

gawin ang ating tungkulin nang may kasipagan at pagiging maingat,

at hindi kailanman maging pabasta-basta sa Diyos.

Dapat nating hangarin ang katotohanan at gawin nang wasto ang ating mga tungkulin

para mapanatag ang Diyos,

at tanggapin ang atas ng Diyos bilang ating priyoridad.

Pinagkalooban tayo ng Diyos ng napakaraming katotohanan,

kaya paano natin magagawang biguin Siya?

Dapat nating tuparin ang ating tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos.

III

Para tunay na mahalin ang Diyos, dapat ay maging matatapat na tao tayo,

huwag humingi sa Kanya ng kahit ano, at huwag makipagnegosasyon sa Kanya.

Dapat ganap tayong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos,

pinagpala man tayo o makatagpo man tayo ng kamalasan.

Kung tinatanggap natin ang katotohanan at nagpapasakop tayo sa Diyos,

magagawa nating magpatotoo sa Kanya.

Sa pagsasailalim sa paghatol, nadadalisay tayo

at nababago ang ating disposisyon.

Sa pagmamahal sa Diyos sa aking puso, handa akong mabuhay para sa Kanya;

ilalaan ko sa Kanya ang lahat ng natitira kong oras.

Ang matatapat na tao ay kaya talagang igugol ang sarili nila para sa Diyos,

tuparin ang kanilang mga tungkulin nang maayos at tanggapin ang pagsang-ayon ng Diyos.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin