Christian Dance | "Nagpakita Na ang Banal na Kaharian" | Praise Song

Marso 30, 2024

Ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito na sa mga tao,

at nasimulan na ang paghatol sa sambahayan ng Diyos.

Iniangat tayo sa harap ng Kanyang trono upang dumalo

sa kasalang piging ng Cristo, Makapangyarihang Diyos.

Nililinis tayo ng paghatol, binabago ang ating disposisyon.

Isinisilang tayong muli at nagiging mga bagong tao.

Nang may takot sa Diyos, nagpapatirapa tayo sa harap Niya,

pinupuri ang Kanyang kabanalan at pagiging matuwid.

Handang magpasakop at ihandog ang aming katapatan,

matapat naming tinutupad ang aming tungkulin.

Diyos, minamahal ka namin nang aming buong puso,

at magpakailanmang umaawit ng aming mga papuri sa Iyo.

Nagpakita na ang banal na kaharian.

Nagpakita na ang banal na kaharian.

Ipinapahayag ng Diyos ang katotohanan upang hatulan ang mundo

at ganap na inihahayag ang Kanyang pagiging matuwid.

Ang mga puwersa ng kasamaan na lumalaban sa Diyos ay,

ay wawasakin ng malalaking sakuna.

Ngayon binago ng Diyos ang lahat

para sa Kanyang paggamit at pagtatamasa.

Hindi na ito isang marumi, mahalay na lupain,

kundi isang banal na kaharian magpakailanman.

Naisakatuparan ng salita ng Diyos ang lahat,

namumuno ang Diyos bilang Hari sa mundo.

Ganap nang nakamit ng Diyos ang Kanyang kaluwalhatian,

lumitaw na sa lupa ang kaharian ni Cristo.

Nagpakita na ang banal na kaharian.

Nagpakita na ang banal na kaharian.

Ang Araw ng pagiging matuwid ay nagniningning sa buong lupain,

at lahat ng bagay ay binuhay muli.

Nagagalak na nagtitipon ang mga tao ng Diyos,

umaawit at sumasayaw sa Kanyang tagumpay.

Pinupuri ng lahat ang Kanyang malalaking nagawa.

Ang buong mundo ay puno ng saya at halakhak.

Ang lahat ng humihinga ay umaawit ng papuri sa Diyos,

dahil Siya ay nagbalik sa ganap na tagumpay.

Ang buong sansinukob ay napanibago,

at ipinagdiriwang natin ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos.

Binasag ang langit ng mga tinig ng papuri,

walang tigil tayong umaawit ng mga papuri sa Diyos.

Nagpakita na ang banal na kaharian.

Nagpakita na ang banal na kaharian.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Leave a Reply

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger