Tagalog Christian Song | "Habang Mas Nahihinog ang mga Tao ng Diyos, Mas Lalong Nadudurog ang Malaking Pulang Dragon"

Abril 13, 2026

I

Kapag nagawa nang ganap ang mga tao ng Diyos at naging kaharian ni Cristo ang lahat ng bansa sa lupa, iyon na ang panahon kung kailan dadagundong ang pitong kulog. Ang araw ngayon ay hakbang tungo sa yugtong iyon; napakawalan na ang pag-atake tungo sa araw na iyon. Ito ang plano ng Diyos, at magkakatotoo ito sa malapit na hinaharap. Gayumpaman, ang lahat ng sinasabi ng Diyos ay naisakatuparan na Niya. Sa gayon, malinaw na ang mga bansa sa lupa ay mga kastilyong buhangin lamang, malapit nang madurog—napipinto na ang huling araw, at babagsak ang malaking pulang dragon sa ilalim ng salita ng Diyos.

II

Para matiyak na ang plano ng Diyos ay ganap na matagumpay, bumaba ang mga anghel sa mundo ng tao at nagsimulang gawin ang pinakamakakaya nila para mapalugod ang Diyos, at ang Diyos na nagkatawang-tao Mismo ay nasa lugar ng digmaan para makidigma laban sa kaaway. Kung nasaan ang pagkakatawang-tao, doon pupuksain ang kaaway. Unang wawasakin ang Tsina; lilipulin ito ng kamay ng Diyos. Hinding-hindi Niya ito kakaawaan kahit kaunti. Habang mas nahihinog ang mga tao ng Diyos, napapatunayan na lalong bumabagsak ang malaking pulang dragon; malinaw itong nakikita ng tao. Ang pagkahinog ng mga tao ng Diyos ay isang hudyat ng pagkawasak ng kaaway.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbubunyag sa mga Hiwaga ng "Mga Salita ng Diyos Para sa Buong Sansinukob," Kabanata 10

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin