Christian Dance | "Tumayo at Sumayaw para sa Diyos" | Praise Song

Mayo 2, 2024

I

Narinig na natin ang tinig ng Diyos

at naitaas na tayo sa harap Niya upang makadalo sa piging.

Ating kinakain at iniinom ang mga salita ng Diyos at nagdadasal tayo sa Kanya,

ang mabuhay sa harap Niya'y kagalakan.

Nang maniwala tayo sa Panginoon sa relihiyon,

puso nati'y madilim at wala tayong tinahak.

Ngayon kinakain natin at iniinom ang Kanyang salita,

nagbabahagi sa katotohanan.

Ang tamasahin ang gawain ng Banal na Espiritu'y kasiyahan.

Mga kapatid, tumayo at sumayaw!

Ialay ang bagong sayaw sa pagpuri sa Diyos!

Natakasan na natin ang mga gapos ng mga ritwal ng relihiyon,

naunawaan na natin ang katotohanan, ang ating espiritu ay napalaya na.

Lahat ng salita ng Diyos ay katotohanan,

itinuturo sa atin ang daan ng buhay.

Hindi na natin iisipin ang ating kinabukasan at kapalaran,

handa tayong magpasakop sa kataas-taasang kapangyarihan

at mga pagsasaayos ng Diyos.

II

Tayo'y dumaan sa paghatol ng mga salita ng Diyos,

nililinis at binabago ang ating katiwalian.

Nabubuhay tayong parang mga inosenteng bata,

at sinasamba natin ang Diyos nang may puso at katapatan.

Sa paggabay sa atin ng mga salita ng Diyos,

ang lahat ng pang-aapi at paghihirap ay yayapakan natin.

Anumang paghadlang na gawin ni Satanas,

susundin natin si Cristo at magiging tapat hanggang wakas.

Mga kapatid, tumayo at sumayaw!

Ialay ang bagong sayaw sa pagpuri sa Diyos!

Lumiligaya ang ating puso sa pagsasagawa sa mga salita ng Diyos

ang landas ay lalong lumiliwanag.

Dahil nakikita natin ang pagkamakatuwiran at kabanalan ng ating Diyos,

ang ating mga puso'y laging magpupuri sa Kanya.

Ang tapat na pagpuri sa Diyos ay kaligayahan,

ang makapiling natin Siya ay tunay na kasiyahan.

Ang magpatotoo sa Diyos ay tunay na kaluwalhatian,

ang espiritu natin ay lubos na napalaya at malayang-malaya ang ating pakiramdam.

Purihin ang Diyos sa paggapi kay Satanas,

at pagkamit ng lahat ng kaluwalhatian.

mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Tingnan ang iba pa

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

I-share

Kanselahin

Kontakin Kami Gamit ang Messnger