Tagalog Christian Movie Trailer | "Ang Piging ng Kaharian ng Langit"
Hulyo 20, 2023
Si Chen Mingde ay isang paring Katoliko. Nakikita niya na lalong nagiging mapanglaw at madilim ang Simbahang Katoliko, at maging ang mga obispo at iba pang mga pari ay nakipagkompromiso na sa gobyerno sa pamamagitan ng pagsapi sa Three-Self Church. Talagang masakit at nakadidismaya ito para sa kanya. Habang naghahanap kung saan-saan ng isang simbahan na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi inaasahang narinig niya ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos. Matapos basahin ang napakaraming salita ng Makapangyarihang Diyos, nakilala niya na iyon ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, at kaya malugod niyang tinanggap ang Makapangyarihang Diyos. Pero sa gulat ni Chen Mingde, matapos itong matuklasan ng mga obispo at ng iba pang mga pari, ginawa nila ang kanilang makakaya para kondenahin siya at pigilan siyang tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Nagpadala pa nga sila ng mga tao para sirain ang simbahan na pinangangasiwaan niya, sa pagtatangkang pilitin siyang lumayo sa tunay na daan. Nakita ni Chen Mingde ang mga mukha ng mga obispo at mga pari na napopoot sa katotohanan, lumalaban sa Diyos, at sataniko, at binitiwan niya ang posisyon niya bilang pari, nilisan ang simbahang Katoliko, at nagsimulang aktibong ipalaganap at patotohanan ang ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Inakay niya ang maraming tao na bumaling sa Makapangyarihang Diyos at nagsimula siyang labis na masiyahan sa sarili, madalas na nagpapakitang-gilas kung gaano karaming gawain ang nagawa na niya at kung gaano siya nagdusa, para makuha ang paghanga ng mga kapatid. Lalong tumindi ang mayabang niyang disposisyon—mapagmataas niyang pinagsasabihan ang ibang tao, naging batas sa kanyang sarili, at hindi nakikinig sa anumang payo. Dahil dito, nahuli siya sa isang pagtitipon. Nagsimula siyang magnilay-nilay sa kanyang sarili pagkatapos sumailalim sa brutal na pagpapahirap at brainwashing ng Partido Komunista. Sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos, nakita niya na lubha siyang mayabang at walang katwiran, na naghahangad siya ng puwang sa puso ng iba, at na nasa landas siya ng isang anticristo. Kung wala ang paghatol, pagkastigo, at pagdisiplina ng Diyos, tiyak na masasawi siya dahil sa paglaban sa Diyos. Natuto si Chen Mingde ng ilang katotohanan sa pamamagitan ng paghatol at paglilinis ng mga salita ng Diyos, at nagkamit siya ng kaunting pagdadalisay at pagbabago sa kanyang tiwaling disposisyon. Pakiramdam niya ay napakarami niyang nakamit, at na talagang dumadalo siya sa piging ng kaharian ng langit.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Iba pang mga Uri ng Video