Araw-araw na mga Salita ng Diyos: Paglalantad ng mga Pagkaintindi ng mga Relihiyon | Sipi 297

Hulyo 12, 2020

Kung ang tatlong yugto ng mga gawain ay sinusuri alinsunod sa konseptong ito ng Trinidad, kung gayon dapat ay mayroong tatlong Diyos yamang ang gawaing isinasagawa ng bawat isa ay hindi magkakatulad. Kung sinuman sa gitna ninyo ang nagsasabi na talagang umiiral ang Trinidad, kung gayon ay ipaliwanag kung ano ba talaga itong isang Diyos sa tatlong persona. Ano ang Banal na Ama? Ano ang Anak? Ano ang Banal na Espiritu? Si Jehova ba ang Banal na Ama? Si Jesus ba ang Anak? Kung gayon ano ang sa Banal na Espiritu? Hindi ba ang Ama ay isang Espiritu? Hindi ba ang sangkap ng Anak ay isa ring Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jesus ay gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba ang gawain ni Jehova sa panahong iyon ay ipinatupad ng Espiritu kagaya ng kay Jesus? Ilang Espiritu ba ang maaaring taglayin ng Diyos? Ayon sa iyong paliwanag, ang tatlong persona ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay iisa; kung gayon, mayroong tatlong mga Espiritu, ngunit ang pagkakaroon ng tatlong mga Espiritu ay nangangahulugan na mayroong tatlong Diyos. Ito ay nangangahulugan na walang isang tunay na Diyos; papaanong ang ganitong uri ng Diyos ay nagtataglay pa rin ng likas na sangkap ng Diyos? Kung tinatanggap mo na may isang Diyos lamang, kung gayon ay paano Siya magkaroon ng isang anak at maging isang ama? Hindi ba’t mga paniwala mo lamang ang lahat ng mga ito? May isang Diyos lamang, isang persona lamang sa Diyos na ito, at isang Espiritu ng Diyos lamang, yamang ito ay nakasulat sa Biblia na “Mayroon lamang isang Banal na Espiritu at isa lamang ang Diyos.” Hindi alintana kung ang Ama at ang Anak man na iyong sinasabi ay umiiral, matapos ang lahat ay may isang Diyos lamang, at ang sangkap ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu na inyong pinaniniwalaan ay ang sangkap ng Banal na Espiritu. Sa ibang salita, Ang Diyos ay Espiritu, ngunit may kakayahan Siyang maging tao at mamuhay na kabilang sa mga tao, gayundin ay mangibabaw sa lahat ng mga bagay. Ang kanyang Espiritu ay sumasalahat at nasa lahat ng dako. Kaya Niyang mapunta sa laman nang sabay-sabay sa lahat ng dako ng mundo. Yamang ang lahat ng tao ay nagsasabing ang Diyos ay ang isa lamang tunay na Diyos, kung gayon ay mayroon nag-iisang Diyos lamang, na hindi kayang basta-basta na lamang baha-bahagiin ninuman! Ang Diyos ay isang Espiritu lamang, at isang persona lamang; at iyon ay ang Espiritu ng Diyos. Kung ito ay kagaya ng iyong sinasabi, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu, kung gayon hindi ba Sila tatlong mga Diyos? Ang Banal na Espiritu ay isang paksa, ang Anak ay iba pa, at ang Ama ay isa pa rin. Sila’y magkakaibang mga persona na may magkakaibang mga sangkap, kung gayon paanong ang bawat isa sa Kanila ay magiging bahagi ng nag-iisang Diyos? Ang Banal na Espiritu ay isang Espiritu; ito ay madali lamang maintindihan ng tao. Samakatwid, kung gayon ang Ama ay lalong higit pa na isang Espiritu. Hindi Siya kailanman bumaba sa lupa at hindi kailanman naging tao; Siya ang Diyos na si Jehova sa puso ng tao, at tiyak na Siya ay isa ring Espiritu. Kung gayon ano ang relasyon sa pagitan Niya at ng Banal na Espiritu? Ito ba ang relasyon sa pagitan ng Ama at ng Anak? O ito ba ang relasyon sa pagitan ng Banal na Espiritu at ng Espiritu ng Ama? Ang sangkap ba ng bawat Espiritu ay magkapareho? O ang Banal na Espiritu ay isang kasangkapan ng Ama? Paano ito maipapaliwanag? At kung gayon ano ang relasyon sa pagitan ng Anak at ng Banal na Espiritu? Ito ba ay relasyon sa pagitan ng dalawang Espiritu o relasyon sa pagitan ng isang Espiritu at ng isang tao? Ito ang mga bagay na hindi magkakaroon ng paliwanag! Kung Silang lahat ay isang Espiritu, kung gayon ay hindi magkakaroon ng pag-uusap sa tatlong persona, sapagkat taglay Nila ang iisang Espiritu. Kung magkakaiba Silang mga persona, kung gayon ang Kanilang mga Espiritu ay magkakaiba ng lakas, at tunay na hindi Sila maaaring maging isang Espiritu. Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain. Sino ang Espiritu ng Diyos? Hindi ba ito ang Banal na Espiritu? Hindi ba ang Banal na Espiritu ang gumagawa kay Jesus? Kung ang gawain ay hindi tinupad ng Banal na Espiritu (iyon ay, ang Espiritu ng Diyos), kung gayon maaari bang ang Kanyang gawain ay kumatawan sa Diyos Mismo? Nang tinawag ni Jesus sa pangalang Ama ang Diyos sa langit habang Siya ay nananalangin, ito ay ginawa mula sa pananaw ng isang taong nilikha, ito ay dahil lamang sa dinamitan ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang Sarili bilang isang karaniwan at normal na tao at nagkaroon ng panlabas na panakip ng isang nilikhang pagkatao. Kahit na ang nasa loob Niya ay ang Espiritu ng Diyos, ang Kanyang panlabas na anyo ay nanatili pa ring sa karaniwang tao; sa ibang salita, Siya ay naging “Anak ng tao” na kung saan ang lahat ng tao, kabilang si Jesus Mismo, ay nagsabi. Sabihin mang Siya ay tinawag na Anak ng tao, Siya ay tao (maging lalaki man o babae, gayunma’y yaong may panlabas na pabalat ng isang tao) ipinanganak sa isang normal na sambahayan ng mga karaniwang tao. Samakatuwid, ang pagtawag ni Jesus sa Diyos sa langit sa pangalang Ama ay katulad lang ng kung paano ninyo Siya tinawag na Ama noong una; ito ay ginawa Niya mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Natatandaan pa ba ninyo ang Panalangin ng Panginoon na itinuro ni Jesus sa inyo na kabisaduhin? “Ama namin na nasa langit….” Hiniling Niya sa lahat ng tao na tawagin ang Diyos sa langit sa pangalang Ama. At yamang tinawag Niya rin Siyang Ama, ito ay Kanyang ginawa mula sa pananaw ng isang may kalagayan na kagaya ng sa inyong lahat. Yamang tinawag ninyo ang Diyos sa langit sa pangalang Ama, ipinakikita nito na nakita ni Jesus ang Kanyang sarili na kapantay ninyo, at bilang isang tao sa lupa na pinili ng Diyos (iyon ay, ang Anak ng Diyos). Kung tinatawag ninyong Diyos ang “Ama,” hindi ba ito dahil kayo ay taong nilikha? Gaano man kadakila ang kapangyarihan ni Jesus sa mundo, bago ang pagkakapako sa krus, Siya ay Anak lamang ng tao, pinamamahalaan ng Banal na Espiritu (iyon ay, ng Diyos), at isa sa mga nilikhang tao sa lupa, sapagkat hindi pa Niya nakukumpleto ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang pagtawag Niya ng Ama sa Diyos sa langit ay tanging Kanyang kababaang-loob at pagkamasunurin. Ang Kanyang pagtawag sa Diyos (iyon ay, ang Espiritu sa langit) sa gayong paraan, gayunman, hindi nagpapatunay na Siya ang Anak ng Espiritu ng Diyos sa langit. Sa halip, tunay na naiiba ang Kanyang pananaw, hindi sa Siya ay naiibang persona. Ang pag-iral ng magkakaibang mga persona ay kamalian! Bago pa sa Kanyang pagkakapako sa krus, si Jesus ay isang anak ng tao na nakatali sa mga limitasyon ng laman, at hindi Niya lubos na taglay ang kapangyarihan ng Espiritu. Kung kaya hinahanap lamang Niya ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilikhang tao. Ito ay kagaya lamang nang tatlong beses Siyang manalangin sa Gethsemane: “Hindi ayon sa gusto ko, ngunit ayon sa gusto mo.” Bago pa Siya naitakda sa krus, Siya ang Hari ng mga Hudyo; Siya ay si Kristo, ang Anak ng tao, at hindi katawan ng kaluwalhatian. Kung kaya, mula sa pananaw ng isang taong nilikha, tinawag Niya ang Diyos na Ama. Ngayon, hindi mo maaaring sabihin na ang lahat ng tumatawag sa Diyos na Ama ay ang Anak. Kung ganoon nga ito, hindi ba lahat kayo ay magiging ang Anak sa oras na ituro sa inyo ni Jesus ang Panalangin ng Panginoon? Kung hindi pa rin kayo kumbinsido, kung gayon sabihin sa Akin, sino ang tinatawag ninyong Ama? Kung ang tinutukoy ninyo ay si Jesus, kung gayon sino ang Ama ni Jesus sa inyo? Pagkatapos umalis ni Jesus, ang ideyang ito ng Ama at ng Anak ay wala na. Ang ideyang ito ay angkop lamang sa mga taon nang si Jesus ay naging tao; sa ilalim ng iba pang mga pangyayari, ang relasyon ay yaong sa pagitan ng Panginoon ng paglikha at isang nilikhang tao kapag tinatawag ninyo ang Diyos Ama. Walang pagkakataon na kung saan ang ideya ng Trinidad ng Ama, Anak, at Banal na Espiritu ay makapaninindigan; ito ay isang maling aral na madalang lang makita sa hinaba-haba ng panahon at hindi umiiral!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Umiiral Ba ang Trinidad?

Tingnan ang iba pa

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

I-share

Kanselahin